News

BASKETBALL FRIENDSHIP GAME NG CMO BATTALION SA BRGY 737 AT 740 IKINATUWA NG MGA RESIDENTE DITO

Agnes Lopez Reano


        

        Kakaibang CMO activity ang naisakatuparan ng pamunuan ng CMO Battalion at Joint CMO Task Force sa inisyatiba ng Commander nito na si COL BUENAVENTURA C PASCUAL sa Brgy 735 at 740, Paco, Malate, Manila nitong ika-18 ng Abril.  Lubos na ikinatuwa ng mga residente ng dalawang barangay ang isinagawang BASKETBALL FRIENDSHIP GAME na kung saan naglaban ang PHILIPPINE ARMY WOMEN’S BASKETBALL TEAM at PCCR o Philippine College of Criminology Women’s Basketball Team.

 

            Kung titingnan simpleng basketball lamang subalit malaki ang naisakatuparan at naabot sa parte ng non-traditional roles na ginagawa ng mga kasundaluhan.  Hindi lamang ikinatuwa ng mga residente ang naturang laro bagkus nakita rin ng taumbayan ang isang mukha ng mga sundalo.  Na sila ay tao rin, marunong magsaya at magpasaya, handing ilaan ang oras at talento upang maging tulay ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga sibilyan at SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS at sa kabuuan ng pamahalaan.

 

            Sa inisyatiba ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL sa pakikipagtulungan ni MANILA CITY COUNCILOR JOSSIE SESCAR at BGRY COUNCIL ng BRGY 735 sa pangunguna ni MS. ANITA PICAYO naging matagumpay ang palaro na dinagsa ng mga residente hindi lamang ng dalawang barangay na nabanggit kungdi ng mga karatig pang barangay sa Malate, Manila.

            Binubuo nina SSGT ARLINE C PAJADO bilang Captain Ball ang PA Women’s Basketball Team kasama sina CPL. MARIETA CAROLINO, CPL. PATRICIA TORRES, PFC MA TERESA BINATAY at PVT DORIE GUADELQUIVER at binuo naman ng mga estudyante ng PCCR ang kabilang team. 

            Sa mensahe ni HON JOSSIE SESCAR ng Manila City Council sinabi nito na nakakasiguro sila na tiyak na magiging masaya ang lahat ng residente ng dalawang barangay lalo na ngayong panahon ng summer.  Binigyang diin ni Councilor Sescar na hindi lamang sa aspetong pagpapalaganap ng sports nakakatulong ang PHILIPPINE ARMY lalo na ang CMO BATTALION kungdi sa aspetong seguridad din na mas malaki umano ang naitutulong sa kanilang barangay.

 

Hindi lamang basta nagkaroon ng palaro ng basketball sa nasabing barangay bagkus naging daan din ito na mai-promote ang ngayon ay patuloy na tinatanggap at sumisikat na Women’s Basketball.  Karaniwan na kasing ini-uugnay ang larong basketball sa sektor ng kalalakihan, subalit dahil sa palarong naisakatuparan ng CMO Battalion at Joint CMO Task Force nabigyan ng panibagong alternatibo ang mga kabataang babae sa barangay na mas magiging kapaki-pakinabang ang kanilang oras kung mailalaan ito sa tamang hilig lalo na sa mga mahihilig na maglaro nito.

          Sa panimulang palaro na naisakatuparan ng CMO Battalion sinabi ng asawa ni BRGY CAPTAIN FELIPE CANARIA ng Brgy 735 na si GINANG MARICEL CANARIA na bagamat anya isang palaro lamang ito kung titingnan ng nakararami para naman umano sa kanilang mga taga Brgy 735 at 740 ito ay naging daan upang lubos nilang maunawaan ang mga sakripisyo at serbisyo ng kasundaluhan. Idinagdag pa ni Mrs. Canaria na hindi lamang pala sa opisina maasahan ang mga kasundaluhang babae bagkus anya may mga talento ang mga ito na nagiging instrumento na mas higit pang maunawan ng mga sibilyan ang “buhay sundalo”.

 

            Bagamat nanalo ang PA Women’s Basketball Team, sinabi ni Donna isa sa mga manlalaro ng PCCR na hindi mahalaga kung sino ang nanalo o natalo bagkus anya ang importante dito ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makalaro ang mga kababaihang kasundaluhan.  Ayon kay Donna noong una anya kapag nakakakita siya ng sundalo babae man ito o lalaki ay negatibo ang kanyang tingin sa mga ito, subalit nang makalaro umano niya ang grupo ng PA Women’s Basketball Team ay naging positibo ang tingin niya sa kabuuan ng AFP.  ayon pa kay Donna balak niyang mag-apply din bilang isang sundalo sa oras na makatapos siya sa kolehiyo.

 

            Pagkatapos ng masayang palaro nagkaroon ng Boodle Fight ang mga tropa ng 6th CODE Coy sa pangunguna ni CAPT MARCELO VALDEZ na sinaluhan naman ng marami sa mga residente ng nasabing barangay.  Higit na naging mas masaya ang mga kabataan hindi lamang dahil sa basketball ngunit higit nilang pinahalagahan ang makasalo ang mga kasundaluhan sa pagkain.

 

            Tinapos ang aktibidad ng araw na ito ng 6th CODE COY sa pamamagitan ng information and awareness drive na dinaluhan din ng mga residente lalo’t higit ng mga kabataang hindi nakakapag-aral.  Ayon kay “Mang July” na dalawang araw bago ang basketball game at info drive isang grupo ng mga estudyante mula sa isang kilalang unibersidad ang pumunta sa kanilang barangay at nagbahay-bahay at namamahagi ng mga polyeto hinggil sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa sa May 1.  Inamin ni Mang July na bago pa man dumating ang team ni CAPT VALDEZ sa kanilang lugar ay mayroon nang prenteng organisasyon na pumupunta-punta sa kanilang barangay.  Ayon kay Mang July ang grupo ay napag-alaman niyang “MIGRANTE” na kung saan noon anyang isang taon ay madalas na pumupunta sa kanilang barangay at nagsasagawa ng pakikipagpulong.

 

            Sa pangwakas na pananalita taos pusong nagpasalamat si MRS MARICEL CANARIA, maybahay ng Kapitan sa oras na inilaan ng CMO Battalion at PHIL ARMY hindi lamang para mapasaya ang kanilang mga kabarangay kungdi ang araw-araw na ginagawang pagbabantay at tulong mga kasundaluhan sa kanyang mga kabarangay.

 

            Ang CMO Battalion ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng PHILIPPINE ARMY CIVIL MILITARY OPERATIONS GROUP sa pamumuno ni COL. DANIEL LUCERO samantalang ang JOINT CMO TASK FORCE naman ay nasa ilalim ng direksiyon ng NATIONAL CAPITAL REGION COMMAND sa pamumuno ni MGEN JOGY LEO FOJAS.

 

                "CLICK to see VIDEO "