News

BAGONG COMMANDING OFFICER NG CMO BATTALION, PHILIPPINE ARMY ITINALAGA

Cpl Tejero


         

         Ang pormal na pagpapasa ng tungkulin kay COL EMILIO T HULIPAS GSC (INF) PA bilang bagong Commanding Officer ng Civil Military Operations Battalion (CMOBn) noong ika-24 ng Nobyembre 2009 ay isang matagumpay na okasyon. Ito’y pinagtibay ni COL AGAPITO CARMELO S NAGRAMPA JR INF (GSC) PA, Group Commander at ang kanyang mga Staff Officer ng Civil Military Operations Group, Philippine Army. Taos pusong ipinasa ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL INF (MNSA) PA kay COL HULIPAS ang katungkulan bilang Commanding Officer ng CMOBn, CMOG, PA upang maipagpatuloy nito ang kanyang maiiwan na gawain para sa katiwasayan at kaayusan ng buong CMO Battalion.

 

           

 

         Hindi maiwasan ni COL PASCUAL ang pagkalungkot na iwan niya ang CMOBn, ngunit masaya siya dahil matagumpay niyang natapos ang kanyang tungkulin bilang Commanding Officer, magaling na pamumuno at magagandang nagawang programa sa mga barangay ng Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Novaliches, Caloocan City at sa iba pang lugar ng kalakhang Metro Manila.

 

         Dahil doon ay binigyan siya ng parangal ni COL NAGRAMPA ng Military Merit Medal at Certificate of Appreciation. Nag-inisyatibang nagbigay ang mga naiwang mga opisyales at Enlisted Personnel ng CMOBn ng malaking “frame” bilang tanda ng magandang samahan at  ala-ala sa kanyang kahusayang mamuno.


         Nagbigay ng mensahe si COL PASCUAL sa mga naging tagasunod at nagpasalamat dahil sa walang-sawang pagtugon ng mga tropa sa kanilang tungkulin bilang isang mabuting sundalo para sa kaayusan ng komunidad sa nasabing mga lungsod kasabay na dito ang masayang pagpaalam niya sa CMOBn.  Nawa’y ipagpatuloy pa ang pagtulong sa mga mamayang nangangailangan sa mga barangay, at sinundan nito ang pagpirma para sa kanyang pagrelibo.


         Sinundan din ni COL HULIPAS ang pagpirma ng pagtangap sa panibagong tungkulin at nagbigay ng mensahe sa mga tropang tagasunod ng CMO Battalion.  Sa pagtatapos sa araw din iyon ay nagkaroon ng konting salo-salo o “Boodle Fight” ang mga tropa ng CMOBn para sa celebrasyon ng bagong Commanding Officer.