Nagkakaisang hiniling ng mga Barangay Officials sa pangunguna ni Brgy Capt Reynaldo Reyes ng Brgy 584, Sta. Mesa, Manila na ulitin ang information and awareness drive na isinagawa sa kanilang barangay ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL nitong nakalipas na Linggo, Sept. 28, 2008. Ang kahilingan ay ipinaabot ni MS CONSUELO PALO, DSWD worker ng nasabing barangay, sa mismong open forum na ginanap matapos ang info drive.
Kaugnay nito matagumpay na naisagawa ng 1st Squad, 1st Platoon sa pangunguna ni CAPT. MAHAN M SAHIAL ang information drive sa ilalim ng 2nd CODE Coy sa pamumuno ni MAJ GOEDFREY OBERA sa nasabing barangay na dinaluhan ng lahat ng lider ng mga organisasyon gayundin ang mga Barangay Officials at Barangay Tanods. Ayon sa mayorya ng mga magulang na dumalo sa nasabing pulong kailangang maiparating at maibahagi din ang mga impormasyong ibinahagi ng Speaker’s Bureau ng CMO BATTALION sa pangunguna ni CAPT MARIO JOSE CHICO, kasama ang technical team nito sa pamumuno ni SSGT NELSON SALAMATIN at PFC JOESIM MENDOZA.
Ayon kay Ms Palo, dapat na maiparating sa mga kabataan ang mga impormasyon hinggil sa mga istratehiyang ginagamit ng mga prenteng organisasyon upang makahikayat ng mga kabataan na kanilang magiging miembro.
Bunsod ng pagnanais ng mga opisyal ng barangay na intensibong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga residente ng Brgy 584, Sta. Mesa, Manila hinggil sa mga Gawain at manipulasyon ng mga prenteng organisasyon muling naulit ang nasabing information drive nitong nakalipas na linggo kung saan pangunahing dinaluhan ito ng mayorya ng mga lider kabataan at mga estudyante ng nasabing lugar. Isang nagpakilalang “George” ang kusang loob na nagbigay ng impormasyon na noon umano ay miembro siya ng prenteng KADENA na kung saan anya ay panay kilos protesta ang kanilang ginagawa. Lumaon umano ay napansin ng mayorya ng mga kabataang miembro ng nasabing grupo na wala naming nangyayari sa mga welga sa lansangan na kanilang inilalatag, negatibo lamang umano ang naging epekto nito hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi sa kanilang hanapbuhay. Ayon kay George natuklasan umano nila na ang kumikita nang malaki sa mga inilalatag nilang kilos protesta ay ang mga lider nila sa KADENA. Inamin din ni George na noong mga late 1980’s hanggang early 1990’s ay pinagmumulan ng malaking bilang ng mga raliyista ang kanilang barangay.
Taos pusong nagpasalamat ang mga Barangay Officials ng Brgy 584, Sta. Mesa sa pangunguna ni BRGY CAPT REYNALDO REYES sa CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL dahil sa malaking bagay na naitulong ng unit hindi lamang umano sa pamamagitan ng information drive kundi maging sa mga community services. Binigyang diin ni Kapitan Reyes na maliwanag ang mensaheng naipaparating ng mga kasundaluhan na hindi lamang sila daan tungo sa kapayapaan kundi higit sa lahat “TULAY TUNGO SA KAUNLARAN”. Nanawagan din si Kap. Reyes sa kanyang mga kabarangay na pangunahing pagtuunan ang kooperasyon at pakikipagtulungan sa mga sundalo ng CMO BATTALION dahilan sa nakikitang positibong epekto nito sa kamaynilaan.