News

ST. ANTHONY DE PADUA SCHOOL MALUGOD NA TINANGGAP ANG 6TH CODE COY

Agnes Lopez Reano


         

         “Malaking bagay ang mapakinggan ng mga estudyante ang impormasyong inilalahad ng mga kasundaluhan ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa mga kabataang estudyante” , ito ang naging reaksiyon ng isang guro ng St. Anthony de Padua kay CAPT VALDEZA nang maisagawa sa nasabing paaralan ang information drive nitong nakalipas na ika-18 ng Marso.

 

            Sa pangunguna ni CAPT MARIO JOSE CHICO, Operations Officer ng CMO Bn, kasama sina TSGT NELSON SALAMATIN, PFC FERNANDO at iba pang tropa ng Hqs CMO Bn sa inisyatiba ni CAPT VALDEZ, Company Cmdr ng 6th CODE COY naging matagumpay ang info drive sa nasabing paaralan at dinaluhan ng humigit kumulang sa isang daang fourth year students.

 

            Naging interesante naman ang mga estudyante sa ilang mga video documentary clips lalo na ang video ni Jose Maria Sison na kung saan ipinagmayabang nito ang mga prenteng organisasyon na ginagamit ng komunistang kilusan upang maisulong ang Pambansand Demokratikong Rebolusyon at sa panlilinlang ng mga kabataan upang sumapi sa kanilang kilusan.  Higit ding pinagtuunan ng pansin ng mga fourth year ang buhay ni Katkat Ramos at Ka Jobel na kung saan ito ay narecruit noong high school pa lamang. 

 

            Ayon sa isang writer  na nagpakilalang si “Rachel” ng student paper nais nilang ibahagi ang kanilang mga natutuhang kaalaman sa kanilang mga kapwa kamag-aral gayundin sa iba pang mga kabataan sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga artikulo tungkol sa kanilang mga napag-aralan.  Bilang mga responsableng mga kabataan umano ay dapat na maging instrumento sila ng pagpapakalat ng mga impormasyon hinggil sa mga mapanlinlang na istratehiyang ginagamit ng mga prenteng organisasyon upang tuluyan nang matigil ang pangloloko, panggagamit at pagpapa-akyat sa bundok sa mga kabataan.

         Binigyang diin naman ng isa pang estudyante na si “Apple” na hindi dapat na suklian ng mga kabataan ng pagkabigo ang paghihirap ng kanilang mga magulang upang sila ay mapa-aral lamang.  Nakakalungkot umanong isipin at malaman na kung sino pa ang mga organisasyong panay ang sigaw sa lansangan ng “pagbabago” ay siya pang pangunahing nanloloko sa kanilang mga estudyante.

 

            Ayon pa sa isang estudyante na si “Ryan” na masakit malaman na kahit nag-aaral sila sa isang ekslusibong katolikong paaralan ay malaki pa rin ang naka-ambang panganib sa kanila sa oras na sila ay mahimok ng mga prenteng organisasyon.  Binigyang diin ni Ryan na dahil sa iba’t-ibang istratehiyang mapanlinlang na ginagamit ng mga komunistang kilusan ay malaki pa rin ang posibilidad na silang mga kabataang nasa ekslusibong paaralan ay maloko at malinlang.  Malaking tulong umano hindi lamang para sa kanilang mga estudyante kundi higit sa lahat sa kanilang mga magulang ang ginagawang info drive ng CMO Bn.  Ayon pa kay Ryan at bilang mga kabataang nabigyan na ng tamang impormasyon ay dapat na maging daan naman sila ng pagpapakalat ng mga ito hindi lamang sa kanilang mga kamag-aral kundi maging sa iba pang mga kabataan na kanilang makakasalamuha.

 

            Taos pusong nagpasalamat ang buong fourth year high school ng St. Anthony de Padua kay CAPT VALDEZ, dahil sa matiyaga nitong pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng kanilang paaralan upang may matutuhan lamang umano sila na hindi nila natutuhan sa loob ng paaralan.  Sinabi pa ng isang guro na ngayong may mga kaibigan na silang sundalo mas mapapanatag umano ang kanilang kalooban na mayroon na silang katuwang upang pangalagaan ang kanilang mga estudyante.

 

                "CLICK to enlarge SLIDESHOW"