News

SNMK1 AT Y-AMOK 1 PORMAL NANG KATUWANG SA PEACE EFFORTS NG CMO BATTALION

Agnes Lopez Reano


        

           

           “Hindi dapat na matapos sa panunumpa ang pagkakabuo ng SAMAHAN NG NAGKAKAISANG MAMAMAYAN SA KAINGIN 1 at YOUTH ALLIANCE MOVEMENT K1”, ito ang mensahe ni BRGY CAPT DOMINIC P FLORES  sa ginanap na Oath of Allegiance at Awareness Drive na pinangasiwaan ng 3rd CODE Coy sa pamumuno ni CAPT FRANCIS BALAN nitong ika-12 ng Hulyo na ginanap sa Covered Court ng Kaingin 1, Brgy Pansol, Q.C. Humigit kumulang sa walumpung opisyales at miembro ng dalawang organisasyon ang dumalo na pinangunahan ng mga opisyales nito, para sa SNMK1:

 

SAMAHAN NG NAGKAKAISANG MAMAMAYAN SA KAINGIN 1 (SNMK1)


President                               Danilo S Balagso
Vice President                        Freddie Esmilio
Secretary                               Julio R Villapa
Treasurer                               Ariel D Cruz
Auditor                                   Lito H Perez
Asst Auditor                           Jaime C Alvarez
PRO                                        Domingo Reyes
Bus. Manager                         Fernan M Amaro
Asst. Bus. Manager                Norberto Patriarca
Adviser                                   Kag Emilio Perez

 

 

           Nangako ang pamunuan ng SNMK1 na magiging katuwang sila hindi lamang ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION na pinamumunuan ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL, kungdi gayundin ng buong SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS sa pangunguna ng namumunong heneral GEN VICTOR IBRADO sa lahat ng mga proyekto at programa nito na direktang pakikinabangan ng taumbayan hindi lamang ng residente ng kanilang barangay.                Sa panig naman ng mga kabataan binuo din ang isang organisasyon na siyang mangunguna sa mga joint projects ng CMO Bn, SNMK1 at Y-AMOK1.  Pinangunahan ng mga opisyales ng Y-AMOK ang panunumpa tulad nina:

 

                YOUTH ALLIANCE MOVEMENT K1


President                              Arnold Manabat
Vice Pres (Internal)               Shirley Infante
Vice Pres (external)              Joanna Marie Perez
Secretary                              Cammile Asiatico
Asst. Secretary                     Charmiz Imbuido
Treasurer                              Parejoy Ribon
Asst. Treasurer                     Sandra Mateo
Auditor                                  Elena Santos
Asst. Auditor                         Mia Abejar
PRO                                       Reggie Omugtong
                                             Igieboy Gabuya
Spokesperson                       Louie Dudero

 

                Samantalang naging positibo naman ang isinagawang information and awareness drive pagkatapos ng panunumpa dahil isang estudyante ng PUP Sta. Mesa na miembro din ng League of Filipino Student ang nagsabing totoo lahat ang kanyang narinig sa dalawang speakers ng CMO Battalion  na pinangunahah ni CAPT MARIO JOSE CHICO, kasama ang TechCom Team sa pangunguna ni SSG NELSON SALAMATIN, SGT JOEVELIN MONTILLA, PFC ZYRA WARIZA at PFC JOJO GUERRERO.

 

                Ayon kay MADONNA ELMINIO, third year college sa PUP STA MESA, LFS member siya simula pa noong siya ay first year college.  Hindi lamang sumang-ayon si Madonna sa mga inihayag ng dalawang speakers ng CMO Battalion bagkus nagpa-abot pa ito ng taos pusong pasasalamat sa kanyang mga natutuhan dahilan sa katotohanan ng kanyang mga narinig.  Ibinase ni Madonna ang kanyang pahayag sa kanyang tunay na karanasan bilang LFS member na ayon sa kanya hindi talaga maganda ang ginagawa ng organisasyon.  Matapang na inamin ni Madonna na noon man ay kasa-kasama siya rally pero wala naman silang nakuhang magandang kalalabasan.  Binigyang diin ni Madonna na malaking tulong ang ginagawang information and awareness drive ng CMO Battalion dahil nabubuksan ang isipan ng mga kabataan at nabibigyan sila ng tamang impormasyon sa kung ano ang kanilang kahihinatnan sa pagsapi sa nasabing organisasyon.

               

           Pormal ding hiniling ni BRGY CAPT DOMINIC FLORES kay CAPT FRANCIS BALAN ng 3rd CODE Coy na isagawa ang information and awareness drive sa sentro ng Brgy Pansol upang anya maipakalat ang mga impormasyong kanilang narinig dito