Dismayadong dismayado ang mga estudyante ng PUP College of Technology at sobrang pagkapahiya naman ang naramdaman ng mga guro ng nasabing departamento nang walang pakundangang bulabugin ng grupo ni Henry Enaje alias Punong Bathala, Ardie Gasapos, Donna Pascual, Paulo Austero at Jaime ang matahimik na information drive na ginanap dito noong nakalipas na Huwebes, ika-11 ng Disyembre. Nauna dito sumimple nang pasok sina Jaime, Lovely Rose Novelta at iba pang mga kasamang tibak habang nagsasalita ang isang rebel returnee. Sa kalagitnaan na ng kuwento lalo’t sa puntong ipinapaliwanag na kung walang puersa ay walang pera ang prenteng organisasyon, bigla nang sumigaw ng kanilang chanting si Jaime. Sa puntong ito nabulabog na ang matahimik na information drive. Sumugod papasok ang grupo ni Punong Bathala sa loob ng classroom, nanduro ng mga guro, nagsisigaw na animo mga nawawala sa sarili at nanggulo na sa loob ng silid aralan. Sa puntong ito isang estudyanteng babae na kinilalang si “Anna” ang hinimatay sa takot sa ginawang panggugulo ng grupo ng mga tibak. Ayon sa ilang estudyante sobrang kabastusan at kawalan ng modo ang ginawa ng grupo ni Punong Bathala. Binigyang diin ng mga estudyante na kailanman ay hindi nila hahayaang mapasama sa nasabing grupo dahil sa hindi na umano katanggap-tanggap ang ginagawa ng mga ito.
Ayon sa isang miembro ng Anakbayan na kinilalang si “Pastu” na dumalo din sa nasabing info drive, miembro siya ng nasabing grupo pero kailanman ay hindi siya sumali sa ginagawang panggugulo ng mga ito. Nakakahiya umano para sa parte nilang mga “iskolar ng bayan” na maging bahagi ng isang magulong pagpupulong na wala naman anyang layunin kundi ibahagi lamang sa mga estudyante ang tamang impormasyon. Sinang-ayunan ni Pastu ang adhikain ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pangunguna ni COL BUENAVENTUA C PASCUAL na ilahad sa mga estudyante ang magiging kapalit ng pagsapi nila sa isang prenteng organisasyon. Binigyang diin ni Pastu na walang masama sa layunin ng CMO Battalion na hayaan ang mga estudyante na makatapos ng kanilang pag-aaral. Idinagdag pa ng estudyante na wala na ring saysay ang ginawang paghingi ng pag-umanhin ni Henry Enaje dahil sa mayroon nang hinimatay, may natakot, may ninerbiyos at higit sa lahat napahiya.
Mayorya sa mga estudyante ay iisa ang naging pananaw sa ginawang panggugulo ng grupo ng LFS-Anakbayan PUP, hindi katanggap-tanggap ang pambabastos ng nasabing grupo. Nawawala na umano sa “decorum” ng isang tunay na makabayan ang grupo ni Enaje. Samantala isang hamon naman ang inilatag ng isa pang estudyante na kinilalang si “Salve”. Anya kung totoong bulok ang gobyerno hindi ba dapat ang mga progresibong grupo ang magpakita ng tamang pag-uugali upang maitama ang sinasabi nilang kabulukan ng lipunan. Sa ginawa umano ng grupo ni Enaje mas masahol pa sila sa bulok ng karne na kanilang ipinagsisigawan.
Sa kabila naman ng ginawang panggugulo ng grupo ni Enaje, mas lalong naging interesado ang mga estudyante ng PUP College of Technology, dahilan upang hilingin ng mga ito na ituloy ang info drive. Natuloy ang naudlot na info drive at mas lalong naging mabunga ang talakayan na nagresulta sa pagiging mas lalong maliwanag sa panig ng mga estudyante ang nilalaman ng pagpupulong. Ayon sa mayorya sa mga naiwan wala naman palang dapat na ikatakot ang mga eskuwelahan sa isinasagawang information drive ng CMO Battalion dahil sa kabuuan ang nilalaman umano nito ay ang layuning makatapos ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Wala naman anyang masama sa kahilingan ng CMO Battalion na tapusin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral, hindi naman umano ang mga sundalo ang makikinabang nito kundi ang kanilang mga magulang na nagpapakahirap na magtrabaho upang sila umano ay makapag-aral at makapag-tapos.
Ipinagsigawan din ni Jaime sa nasabing info drive na “totoo na ang mga miembro ng LFS at Anakbayan ay pinasasapi namin sa NPA”, puntong naging mas lalong maliwanag sa mga estudyante na hindi sila dapat na magpaloko at magpalinlang sa nasabing grupo. Kung tutuusin anya ayon kay Salve mas katanggap-tanggap at tama, hindi lamang para sa kanilang mga kabataan kundi higit sa kanilang mga magulang ang layunin ng CMO Battalion na manatili sa loob ng paaralan ang mga kabataan, hindi ang sumama o sumapi sa prenteng organisasyon ng mga estudyante na sa kalaunan, ayon na rin kay Salve base sa isinigaw ni Jaime na pinasasapi nila ang mga ito sa armadong grupo at dinadala sa kabundukan na nagreresulta ng maaga nitong kamatayan.
Ayon sa ilang mga esudyante na dumalo sa nasabing info drive karamihan sa mga nambulabog at nanggulo ay siya ring dumalo sa ginanap na cultural night at educational discussion o ED’s ng Kabataang Makabayan sa Charlie del Rosario Bldg nitong nakalipas na ika 28 ng Nobyembre na nagsimula nang ala una ng hapon at natapos na humigit kumulang sa alas otso ng gabi. Pinatunayan din ng nasabing estudyante na karamihan sa mga dumalo sa nasabing “Cult Night” ay hindi estudyante ng PUP, mga high school students at karamihan ay walang kamalay-malay na pinanumpa na bilang mga “kandidatong Kasapi” ng armadong grupo.
Sa puntong ito nagkakaisang nanawagan ang mga estudyante ng PUP College of Technology sa pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines na gumawa ng konkretong aksiyon upang masupil ang nakakahiyang gawaing ito ng grupo ni Enaje, Pascual, Austero, Jaime at iba pa. Hindi na umano maganda para sa imahe ng PUP ang ginagawang panggugulo nila Enaje kaya dapat na itong matapos at mapigilan. Ayon sa mayorya ng estudyante ng PUP College of Technology kung kinakailangan nilang gumawa ng isang manifesto o open letter para maisulong lamang na matapos na ang mga kahihiyang pinaggagagawa ng grupo ni Enaje ay kanila itong gagawin. Nanawagan din ang mga estudyante ng College of Technology sa kapwa nila mga estudyante ng PUP na huwag bahiran ng anumang kahihiyan at kabastusan ang malinis na pangalan ng kanilang paaralan, huwag sumapi sa grupong ito sa halip ay asikasuhin na lang ang kanilang pag-aaral.