News

MONTALBAN HEIGHTS HIGH SCHOOL POSITIBO SA MGA ESTUDYANTENG SUMAPI SA NPA

Agnes Lopez Reano



          Naging lubos na mabunga ang isinagawang information drive ng 202ND INFANTRY “UNIFIER” BRIGADE sa pamumuno ni COL TRISTAN KIZON sa MONTALBAN HEIGHTS NATIONAL HIGH SCHOOL. Lubos na naging matagumpay ang isinagawang info drive sa pamamagitan ng team ni LT DIMALEN sa nasabing paaralan nitong ika-24 ng Pebrero na kung saan napag-alamang may ilang estudyante doon ang kamakailan ay tuluyan nang sumapi sa armadong kilusan at nitong nakalipas naman ay ilang estudyante ang isinama ni Divina Olid at Renan Vizcarra na mga taga Sitio Seedling sa isang malawak at sistematikong pagkilos sa Montalban covered court at sa bayan ng Antipolo.


            Katuwang ang isang miembro ng speaker’s bureau ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION na pinayagan ng Commander nito na si COL BUENAVENTURA C PASCUAL, naipaliwanag ng 202nd Infantry Brigade sa pamamagitan ni LT GENE ORENSE ang tunay na layunin ng mga prenteng organisasyon ng mga komunistang kilusan sa mga kabataang estudyante.  Ibinahagi din ni LT ORENSE ang mga gawain ng mga kasundaluhan na sumusuporta sa pamahalaan upang matulungan naman ang mga sibilyan na mai-angat ang antas ng kanilang pamumuhay. Dahil sa mabungang diyalogo sa pagitan ng mga estudyante at mga kasundaluhan walang kabang ibinahagi ng mga estudyante ang impormasyon hinggil sa ilang estudyante umano na hindi na tuluyang nakapag-enroll sa halip ay tuluyan nang sumapi sa armadong kilusan.


            Isang batang estudyante na kinilalang si “LUCILA” ang nagkumpirma na narekluta na siya sa ilang mga kilos protesta at naisama ng mga prenteng organisasyon sa Montalban at Antipolo na kung saan anya ay namalagi sila doon ng ilang araw at gabi.  Ayon pa kay Lucila, sumama siya dahil sa panghihikayat ni Divina Olid at Renan Vizcarra na mga naninirahan sa Seedling.  Ayon sa salaysay ni Lucila sa bawat raling sinamahan niya ay pinopronta lamang sila sa mga ito kapag dumating na umano ang mga kapulisan ay magtatakbuhan na silang pabalik sa kani-kanilang sinasakyang jeep.  Idinagdag ni Lucila na sa pinakahuling rali na kanyang sinamahan ay tatlong jeep ang kanilang kasama patungong covered court ng bayan ng Montalban na kung saan sinundan ito ng pagpunta nila ng Antipolo.   

          Dahil sa naging mabunga ng info drive hiniling ng pamunuan ng PARENT’S TEACHERS ASSOCIATION na gawin na itong regular sa Montalban Heights National School.  Hiniling din ng mga opisyal ng PTA na dumalo ng araw na iyon na isagawa din ang information drive sa hanay nilang mga magulang upang magkatulungan umano ang pamilya, paaralan at mga kasundaluhan sa pagbabantay sa mga kabataan.  binigyang diin ng isang Ginang na hindi dapat na ipagwalang bahala ng mga magulang ang ginagawang pagrerekrut ng mga prenteng organisasyon sa kanilang mga anak. Nangako naman ng lubos na suporta ang pamunuan ng eskuwelahan sa mga pagsisikap ng 202nd Infantry Brigade na mabigyan ng tamang impormasyon ang mga kabataan.


            Nagpasalamat naman si MAM CARMELITA, isang guro sa ginawang pagsisikap ng mga kasundaluhan na maipaliwanag ang tunay na sitwasyon ng bayan.  Sa unang pagakakataon isang guro sa katauhan ni MAM CARMELITA ang nanawagan sa kanyang mga estudyante at kababayan na hindi dapat na katakutan ang mga kasundaluhan sa halip anya ay suportahan dahil para naman anya sa kanilang kapakanan ang ginagawang pagseserbisyo ng mga ito.  Ayon kay Mam Carmelita hiniling sa kanya ng mga magulang na maipa-abot sa 202nd Infantry Brigade ang kanilang kahilingan n asana ay huwag na munang alisin ang team ni LT DIMALEN dahil sa malaking tulong na naibahagi nito lalo sa aspeto ng katahimikan at kapayapaan ng kanilang barangay.  Ayon kay Mam Carmelita malaking porsiyento ang ibinababa ng insidente ng riot ng mga kabataan mula nang magkaroon ng mga sundalo sa kanilang barangay.