Lubos na suporta ang ibinahagi ng BARANGAY COUNCIL ng BRGY 627, Sta. Mesa, Manila sa isinagawang information and awareness drive ng 2nd CODE Coy sa pamumuno ni CAPT MAJAN SAHIAL. Sa matiyagang pakikipag-ugnayan at diyalogo ng team ni 1LT BENJAMIN TOMBOC sa pamunuan ng iba’t-ibang organisasyon at pamunuan ng Barangay council matagumpay na naisakatupara ang nasabing info drive. Dinaluhan ng humigit kumulang sa isang daang residente na opisyales at miembro ng iba’t-ibang asosasyon sa pangunguna na samahang NUESTRA SENORA DEL SALVACION sa pamumuno ni DATING BRGY CAPT. PAMFILO “BABY” LACONICO. Dumalo din ang ilang opisyales ng barangay tulad nina KAG NEHRIZA CLARAVALL, BRGY SEC. ESTHER MALIGAYA.
Naging bahagi din ng info drive ang ilang mahahalagang impormasyon hinggil sa pagbubuo ng kooperatiba sa pakikipagtulungan ng CDA o Cooperative Development Authority sa pamamagitan ni MR. ARNEL CRUZ. Naging interesado ang mga residente sa pagtatag ng kooperatiba sa ginawang pagpapaliwanag ni Mr. Cruz hinggil dito.
Ayon sa isang ginang na nagpakilalang si “Aling Lorna” hindi itsapuwera ang mga kabataan sa kanilang barangay sa amba ng pagrerekluta ng mga prenteng organisasyon ng mga komunistang kilusan kung kaya’t malaking tulong para sa kanilang mga magulang ang mga impormasyon na kanilang natutuhan sa info drive. Ayon kay Aling Lorna hindi maitatatwa na karamihan sa mga kabataan ngayon ay medaling mahimok lalo na anya kung ang pagsasamantalahan sa mga ito ay ang kanilang kuryosidad.
Idinagdag naman ni “Aling Percy” na hindi malayong may narerekrut na sa kanilang mga kabataan dahil sa proksimidad ng kanilang barangay sa PUP na hindi naman anya lingid sa kaalaman ng marami na aktibo ang mga prenteng organisasyon ng komunistang kilusan.
Ayon naman kay dating Bgry Capt Laconico, na siyang pangulo ng Nuestra Senora de Salvacion 1980’s pa ay nagiging daanan na rin ng mga aktibista ang kanilang lugar kung kaya’t tama lang ang ginawang info drive ng CMO battalion ang bigyan ng sapat na impormasyon ang mga magulang ng mga kabataang naninirahan sa kanilang barangay. Sa pamamagitan umano nito ay magkakatulungan ang mga kasundaluhan, kapulisan at ang sector ng mga magulang sa pagbabantay sa mga kabataan na maliwanag anyang pangunahing nirerekrut ng mga prenteng organisasyon.
Ayon kay dating Brgy Capt Laconico mas maganda ngayon ang mga ginagawang programa ng buong SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS na tinututukan ang kalunsuran na siyang pinagmumulan ng mga estudyanteng umaakyat sa kabundukan, humahawak ng armas at sumasama sa madugong pakikipaglaban. Mas mainam anyang mag-usap na nga lamang kesa sa puro gera at kaguluhan. Binigyang diin ni Mr. Laconico na naniniwala siya sa pagsisikap ng mga kasundaluhan na mayroon itong mararating sa tamang panahon at pagkakataon.
Nagpa-abot ng pasasalamat ang pamunuan ng Brgy 627, Sta. Mesa, Manila sa pangunguna ni BRGY CAPT JOVITA RECALDE sa CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION lalo na anya sa pinuno nito na si COL BUENAVENTURA C PASCUAL dahil sa ginagawang pagsisikap ng mga ito na maging “tulay ng pagkakaunawaan” sa pagitan ng administrasyon at taumbayan. Pinuri din ni Mr. Laconico ang mga sundalong naka-deploy sa kanyang barangay dahil sa pagiging disiplinado ng mga ito.