News

OUTREACH PROGRAM SA PACO, MANILA

Cpl Tejero


         

         Sa pagtutulungan ng 7CRG, Civil Relations Service, AFP, Joint Civil Military Operations Task Force-NCR, Civil Military Operations  Group, CMOBN, AFP Medical Center, Fort Bonifacio General Hospital at Department of Social Welfare and Development ay matagumpay na naidinaos ang outreach program para sa mga residenteng nasunugan sa Brgy Canonigo, Paco, Manila noong ika-30 Enero 2010.


        Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging mapait at malungkot para sa mga kababayan nating nakatira sa Brgy Canonigo, Paco, Manila ang trahedyang bumago sa kanilang buhay makaraang tupukin ng apoy ang kani-kanilang mga ari-arian. Ngunit sunod-sunod man ang mga trahedyang dumarating sa ating bansa ay patuloy pa ring nakikipagtulungan ang ating Hukbong Sandatahang Lakas ng ating bansa para paglingkuran ang ating mga kababayan.


        Pormal na binisita ni BGEN FRANCISCO N CRUZ, AFP, Commander ng CRSAFP ang nasabing aktibidad upang personal niyang ipamahagi sa mga kabataan ang mga relief goods. Inikot niya ang bawat pamilya na nasunugan at kinumusta ang kani-kanilang sitwasyon.

 

           

 

         

        

         Bilang panimula sa programa ay nagpaabot ng pasasalamat si Brgy chairwoman Marissa J Medina ng personal na pasasalamat sa mga kasundaluhan na nagkaloob sa kanila ng tulong at serbisyo publiko. Agad itong sinundan ng libreng pakain ng CMOBN at humigit sa anim na daang (600) residente ang napakain. Namahagi din ang ating mga kasundaluhan ng mga damit, bagong tsinelas at mineral water sa mga tao. Nagkaloob din ng libreng gupit ang CMOBn sa mga kalalakihan at mahigit anim na pu’t dalawa (62) ang nagupitan. Mahigit dalawang daan (200) naman ang nagpachek-up at nabigyan ng libreng gamot, at dalawamput apat (24) ang nalibre sa bunot ng ngipin. Sa kabuuang bilang ay humigit sa pitong daan ang nabiyayaan sa nasabing programa.


         Malaki ang pasasalamat ng mga residente sa nasabing programa at hiling pa nila na sanay matulungan pa sila ng pamahalaan na makapagpatayo muli ng kani-kanilang bahay.