News

MEDICAL AND DENTAL MISSION NG CMO BATTALION SA KAINGIN 1, BRGY PANSOL, QUEZON CITY

Ni Pfc Lorenzo


        

           Noong nakaraang ika-16 ng Mayo 2009 inilunsad ang  Medical and Dental mission sa Kaingin-I, Barangay Pansol, Quezon City sa ilalim ng pamunuan ni Brgy Captain Dominic C Flores. Marami ang nakibahagi at naglaan ng oras para matulungan ang mga kababayan nating kapus-palad sa nasabing lugar. Panauhing pandangal sa nasabing proyekto si Congressman Mat Defensor. Naging punong abala din ang 3rd  Code Company sa pamumuno nina CPT BALAN at LT CUEVA. Sila ang mga grupo ng mga sundalo na nakatalaga sa Brgy Pansol, Quezon City. Hindi rin ipinagkait ang tulong at serbisyo ni PCSO Chief of Staff Don De Leon para sa mas ikakaganda ng proyekto. Lumahok at tumulong din ang Samahan ng Nagkakaisang Mamamayan ng Kaingin-I (SNMK-1) sa pamumuno ni Ginoong Danilo S Balagso at ang Adonis Muty Organization of Kaingin-1 (AMO-K1) sa pangunguna naman ni Ginoong Alvin M Manabat. Naroon din ang mga kinatawan ng Manila Water Corporation (MWC) para tumulong at saksihan ang proyektong kapaki-pakinabang para sa mga residente dito. Sa hanay naman ng medical and dental team binubuo ito nina MAJ ROSTICO B REYES JR, TSg Rec Z Salvador, Sgt Doglas C Orbino, Cpl Jodick D Jaena at dalawa pang doctor na sina Dra Catherine P Rayos at Dra Marife M Calimag.

           Sa kalagitnaan ng programa, nagbigay ng pahayag at nagpaabot ng pasasalamat si Brgy Captain Dominic C Flores kaugnay sa mga programang ipinapatupad sa kanilang lugar. Malugod niyang pinasalamatan ang mga sundalo sa ilalim ng pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL  sa pagiging masigasig sa pagbibigay ng kahit na anong klaseng tulong sa mga residente ng Brgy Pansol Quezon City Pinasalamatan din niya ang presensiya at makikipagtulungan ni Congressman Mat Defensor at PCSO Chief of Staff Don De Leon sa nasabing programa. Ayon pa sa punong Brgy  napakalaking biyaya para sa kanilang lugar ang ganitong klaseng proyekto. Ang libreng gupit, libreng kunsultasyon at medikasyon ay tunay na malaking tulong sa mga katulad nilang halos kabuuan ng mga residente ay mahihirap.

 

           Sa pagtatapos ng programa,isang daan talumput anim ang nagupitan, sa serbisyong dental naman, isang daan limamput anim ang nabunutan ng ngipin at sa libreng medikasyon limang daan anim na put isa ang nabigyan ng serbisyo. Ngiti at kaligayahan ang naiwan sa mga  residente dahil sa serbisyong kanilang nakamtan.