Naging matagumpay ang dalawang araw na Medical Mission ng pinagsanib na grupo ng mga LGU at NGO kasama ang kasundaluhan ng 3RD Community Development Company, Civil-Military Operations Battalion, Philippine Army, sa pangunguna nina CPT BALAN at 1LT BELARDO, pawang mga opisyales ng nasabing kompanya na nakatalaga sa Lungsod ng Quezon.
Ang nasabing aktibidad ay inumpisahan noong ika-12 hangang ika-13 ng Oktubre 2009. kasama din dito ang mga doctor at nars ng Ft. Bonifacio General Hospital at ng Philippine National Police na pinangatawanan ni Dra Minerva Grace Balao-as. Ang mga nasabing ahensya ay nagbuklod-buklod para maipa-abot ang kanilang serbisyo sa Area 5, Sitio Brgy, Bagong Silangan, Quezon City. Kaakibat din dito ang Quezon City Government Office sa pamumuno ni Hon Teodoro C.Indic, Catholic Association of Nurses and Doctors, ACIN Asia Association, Heart and Mind Organization, at Pinagbuklod na Asosasyon sa pangunguna ni Kagawad Ramon Toto Medalla.
Humigit-kumulang sa 800 katao ang nabigyan ng libreng medikasyon sa Brgy Bagong Silangan at sa Brgy Gulod naman ay 850 katao ang nabigyan ng libreng check-up at gamot. Masaya ang mga residente ng nasabing lugar dahil sa libreng programa na naipamahagi sa kanila. Nagpapasalamat si Mrs Shiela Marie Gadiano ng Brgy Bagong Silangan sa CMOBn ng Philippine Army at sa mga organisasyon na nabanggit dahil sa mga tulong na naipagkaloob sa kanila. Para sa mga nabangit na residente ay malaking tulong na ito dahil sa kahirapan na nararanasan nila ngayon. Mensahe pa ni Mrs Evangeline Molina ng nasabing lugar, Sana ang mga tao sa kanilang lugar ay makipagtulungan sa mga sundalo upang mas lalong mapaganda ang kaayusan at katahimikan sa brgy nila. Wika naman ni Mrs Eva Sagario ng Brgy Bagong Silangan, Quezon City ay “ Salamat sa kabayanihan ninyong mga sundalo, lalong-lalo na sa CMOBn at Mabuhay po kayo” .