Tulong-tulong ang mga kasundaluhan ng AFP, Dept of Health, Lokal na Pamahalaan ng Marikina, National Red Cross at 1st Marine Aircraft Wing, US Marines sa medical at dental mission ng Barangay Nangka, Marikina City noong ika-01 ng Oktubre, 2009.
Lubos ang saya at pasasalamat ng mga biktima ng bagyong Ondoy ng Marikina sa isang agarang tulong na ipinatupad ng gobyerno bilang tugon sa sakunang nagdaan noong ika-26 ng Setyembre 2009. Marami ang nasalanta at nasirang bahay, ari-arian at marami din ang nagbuwis ng buhay sa nagdaang bagyo. Humigit kumulang 1,698 katao ang nabiyayaan ang tumanggap ng libreng gamot, pagkain, medical at dental check-up, libreng damit at maging sa paglinis ng kanilang bahay at kagamitan ay natulungan din sila.
Pinangungunahan ni LTGEN Delfin Bangit AFP, CG,PA, kasama sina Col Lucero ng CMOG,PA; CMO Battalion, JCMOTF, FBGH Medical Team; Ananda Marga Universal Relief Team; Department of Health, National Red Cross; Malacanang Fire Station; Adamson University Nursing Students; Australian Embassy; 750th Combat Group, PAF at 1st Marine Aircraft Wing, US Marines, ang MEDCAP sa Marikina isang matagumpay na misyon bilang tugon sa mga nangangailangan nating kababayan na biktima ng bagyong Ondoy. Umaasa ang mga taga-Marikina na patuloy ang pagtulong at pagmamalasakit ng gobyerno sa kanilang kaligtasan.