News

SAMA-SAMANG PAGLILINIS NG MGASUNDALO SA MANILA NORTH CEMETERY

Cpl Tejero


         

         Tuwing dumarating ang araw ng Undas ay puspusan ang paghahanda ng ating mga kababayan sa paglinis sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Dahil dito, ang ating mga sundalo ay hindi nagdalawang isip na gumawa ng paraan upang tumulong sa paghahanda at paglilinis sa mga sementeryo bago sumapit ang araw ng undas. 

           

 

         

         Sa pakikipagugnayan ni Ginang Nina D Almodal ng pro-grama ng “ Unang Hirit” GMA7 Network sa Commanding Officer ng CMOBN, CMOG, PA na si COL EMILIO T HULIPAS ay nagsagawa ng paglilinis ang mga sundalo simula noong ika- 28 at 29 Oktubre 2010 sa Manila North Cemetery at noong ika-02 ng Nobyembre 2010 sa Manila South Cemetery sa ganap na alas kwatro hanggang alas nwebe ng umaga (4:00am -9:00am). Isang daang mga sundalo ang sumali sa nasabing aktibidad mula CMOBn, CMOG, PA, 763rd SPOW, PAF at 1st Coy, CMOG-PNMC, PN.

 

         Ang ganitong programa ay nagpapakita lamang na ang mga kasundaluhan ay handang tumulong at ipakita ang magan-dang pakikitungo sa pagitan ng media, NGOs’ at mamayan ng ating bayan. Mula sa GMA7 “Unang Hirit” at sa mga Manilenyo na may mga kamag-anak na nakahimlay sa mga nabangit na sementeryo, “Maraming salamat sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Kami ay sumasaludo at nagpu-pugay sa inyong kabayanihan”.