News

"MAKULAY NA PASKO NG CMO BATTALION "

Agnes Lopez Reano



     

     Naging Masaya at makulay ang pasko ng mga opisyal at sundalo ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION gayundin ng mga dependents ng mga ito sa ginanap na Christmas Party sa pangunguna ng Battalion Commander na si COL BUENAVENTURA C PASCUAL INF (MNSA) PA at EX-O MAJ GODFREY S OBERA nitong ika-16 ng Disyembre sa Battalion Headquarters.

 

     Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Thanksgiving Mass na pinangunahan ni CAPT ALBERTO R QUIAOIT CHS (PA).  Ang misa ay bilang taos pusong pasasalamat ng CMO Battalion sa lahat ng biyayang ipinagkaloob ng Dios sa nakalipas na mabungang isang taon.   Dinaluhan at nakadagdag kulay sa pagdiriwang ang pagdating ng Group Commander ng  CMOG, PA na si COL DANIEL A LUCERO, INF (GSC) PA kasama ang ilan sa G Staff, gayundin ni BRGY CAPT. DELIA BONGBONGA ng Brgy Escopa III at MS CHARLOTTE ISABEL JOHANSEN, Director ng isang NGO na “A Million Voices.”

 

     Ayon sa mayorya ng mga kasundaluhan ng CMO Battalion, “mataas ang kanilang morale na mas lalo pang pagbutihin ang pag-gampan nila sa kanilang tungkulin dahil sa ipinakitang pagbibigay halaga ni COL PASCUAL sa kanilang mga naging gawain at sakripisyo upang mapagserbisyuhan ang sambayanang Pilipino.” Ang pagkilala at pagbibigay halaga sa tapat na serbisyong ipinakita ng buong puersa ng CMO Battalion ay ipinagkaloob ni COL PASCUAL sa pamamagitan ng Letter of Commendation. Dahil dito nagkakaisa ang lahat sa pananaw na nakasalalay sa ipinapakitang magandang ehemplo at pagpapahalaga ng isang lider ang ikapagtatagumpay ng isang organisasyon. 

 

     Pagkatapos ng banal na misa, nagkaroon ng salu-salo, palaro sa mga anak ng mga kasundaluhan at pagkatapos ay ang pormal na programa na kung saan naging master of ceremony si 2LT GLENDA GANO.  Bilang pagkilala at pagpapahalaga ni COL PASCUAL sa malaking kontribusyon at matapat na kooperasyon ng mga Brgy Captains sa mga lugar na kung saan nakadeploy ang mga sundalo, ginawaran ng Certificate of Recognition sina Bgry Capt Delia Bongbonga na personal na dumalo sa okasyon at tumanggap ng pagkilala.  Bagamat hindi nakadalo dalawa pang Barangay Captains ang ginawaran ng pagkilala, ito ay sina Brgy Capt. Beda T Torrecampo ng Brgy Old Balara, Quezon City at Brgy Capt. Reynaldo A Reyes ng Brgy 584, Sampaloc, Manila. 

 

     Sa panig naman ng mga Non Government Organizations na lagi na ay kabalikat ng CMO Battalion sa mga medical, dental at engineering missions, feeding program at iba pang mga programa na malaki ang nai-ambag sa maralitang taga-lunsod, ginawaran ng pagkilala si Ms Charlotte Isabel Johansen, Director ng organisasyong “A Million Voices”.

 

     Lubhang naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa ipinakitang pagkakaisa ng lahat ng opisyal at sundalo ng CMO Battalion.  Namahagi naman ng pamasko si COL PASCUAL sa mga anak ng sundalo, gayundin nagbigay direksiyon sa programa si CAPT JOEFREY ALADIN A REYES. Pinangunahan nina BATTALION SERGEANT MAJOR SMS BILLY BENEBILE, FIRST SGT MSGT RUBEN GAPUZ at MSGT SATURNINO A SALAZAR katulong si CPL BLAS H ESPALDON ang mga palaro para sa mga kabataan, sundalo at mga asawa nito tulad ng pabitin, basagan ng palayok, trip to jerusalem, talong, paper dance at iba pa. Nakipagsaya, nakisayaw, nakipaglaro at namahagi ng mga laruan at kendi si Santa Claus MSGT ANTONIO D MERCADO sa mga kabataan na nakadagdag sa kasayahan ng mga ito. Personal naman na inasikaso ang pinansiyal ng pangangailangan ng aktibidad ni  TSGT VICENTE L CAMACHO.

 

     Naging mas lalong masaya ang pagdiriwang sa mga tugtugin ng CMO Band na kitang-kita ang pagiging organisado sa pamumuno ng NCOIC nito na si SGT ARMANDO L DONILA at sa pangangalaga ni CAPT GERMELO A CALMA.  Lumabas ang mga talento ng opisyal at sundalo ng CMO Battalion, umawit at lumabas ang pagiging ala Chris Brown ni Capt Joefrey Reyes, ala Frank Sinatra ni SMS Benebile, ala Eric Santos ni SSGT ANGELITO T MELCHOR  at ang husay sa pagsalo ng itlog ni PFC ZYRA B WARIZA at MSGT RICHARD P LYON. Pinalakpakan din ang dance number ng anak ni SSGT NELSON SALAMATIN kasama ang mga kaibigan nito. 

 

     Hindi lamang ang mga opisyal at sundalo ang naging punong abala sa paghahanda para sa Christmas Party, malaking tulong din ang iniambag ng ilang asawa ng Enlisted Personnel na punong abala sa paghahanda ng pagkain ng mga bisita na sina GINANG NICETA D ALDANESE at GINANG LIGAYA MAPAGAY. Punong abala naman sa pagkain ng mga kasundaluhan at pamilya ng mga ito sina SGT LOURDES B DELOS SANTOS, SGT TESSIE B PARADO, PFC MARIA DEBRA S SAQUILLO at ilan pang miembro ng HHC katuwang ang mga CS applicants.  Presente din lahat ang mga Company Commanders at ilan sa kanilang mga tauhan, ang 1st CODE Coy sa pamumuno MAJ NELSON DELA CRUZ, 2nd CODE ni CAPT MAJAN SAHIAL, 3rd CODE ni CAPT FRANCIS BALAN, 4th CODE ni 1LT RICHARD LITO, at 6th CODE ni CAPT MARCELO VALDEZ.

 

     Ang bawat tanggapan ng CMO Battalion ay nagkaisang kumilos upang maging matagumpay ang nasabing pagdiriwang. Mula sa S1, Personnel Section sa pamumuno ni CAPT JOEFREY ALADIN REYES, S3 ni CAPT MARIO JOSE CHICO, at S4 ni CAPT GERMELO CALMA.  Ang kasayahan ay itinala sa kasaysayan ng mga personnel ng S3 sa pamamagitan nina TSGT ERNESTO G DASTAS, TSGT DOMINADOR M HULIPAS, SSGT NELSON SALAMATIN, at PFC RANILO D CONSTANTE at iba pang mga tauhan ng Operations Section.

 

     Tunay na sa pagkakaisa malayo ang nararating ng isang organisasyon, hindi lamang kasayahan ang nadama ng bawat isang dumalo sa Christmas Party kundi ang damdaming kabilang ang bawat isa sa isang solidong pamilya ng sundalo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang TAPAT NA PAGSESERBISYO SA SAMBAYANANG PILIPINO.