News

LIBRENG DAMIT PARA SA MGA NASUNUGAN SA BASECO, MANILA

Cpl Tejero


         

         Matagumpay na naisakatuparan ang pamamahagi ng CMOBN ng mga libreng damit sa mga residenteng nasunugan sa Brgy 649, Zone 68 District, Baseco, Tondo, Manila noong Ika-20 ng Enero taong 2010.

 

         Batid na noong ika-16 ng Enero 2010 alas 9 ng gabi ay biglang kumalat ang sunog sa nasabing Barangay sa di pa matukoy na dahilan kung kaya’t ang mga residente ay agad na nagsilikas dala-dala ang mga mahahalagang bagay na pwede pa nilang mapakinabangan. Sa kadahilanang ito ay minabuti ng CMOBn na mamahagi ng mga damit na mula sa Bigay Ligaya ng Puso Society, Inc. sa mga biktima ng nasabing sakuna.

 

         Sa pakikipag-ugnayan nina 1LT ELIEZER M BEJARIN (INF) PA, na kumakatawan sa 1st Community Development Company at 2LT MARY CECILLE S SOMBONG (INF) PA, assistant Civil Military Operations (CMO) officer ng CMOBn, sa mga Barangay opisyales sa pangunguna nina Brgy. Chairman Kristo E Hispano at Kgwd Diana Espinosa ay agad silang tumungo sa lugar na pinangyarihan ng sunog. Dito namataan ng ating mga kasundaluhan ang kalunus-lunos na sinapit ng mga biktima kung kaya’t kaagad nilang inumpisahan ang pamamahagi ng mga damit, at bilang ganti ay Mainit naman na pagtanggap at pasasalamat ang iginawad ng mga residente sa ating mga kasundaluhan.

 

           

 

         

        

         Ayon sa mga biktima ng sunog, “Malaking tulong na po ito para sa amin ang ibinigay ninyong libreng damit dahil may maisusuot na kami sa pang araw-araw. Nagpapasalamat din kami sa mga kasundaluhan na nagsakripisyong tulungan kami noong araw ng sunog. Malaking tulong kayo sa aming lugar kaya ipagpatuloy po niyo ang inyong mga magagandang ginagawa sa mga tao”.


          Sa kabuuan ay siyamnapu’t tatlong (93) katao ang mga nabahagian ng tulong ng ating mga kasundaluhan.