Noong Ika-14 ng Marso 2009 ang CMO Battalion ng Philippine Army na pinamumunuan ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL INF (GSC) PA at ang Technical Service Brigade ng AFP Reserve Command na pinamumunuan ni COL JOSEPH G SEVILLA (JSC) (GSC) PA (RES) ay nagdaos ng libreng gupit at libreng serbisyong legal sa mga residente ng Barangay Pleasant Hills at Barangay Mauway sa Lungsod ng Mandaluyong. Ito ay naisagawa sa supporta ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at Vice Mayor Rene Sta Maria sa pakikipagtulungan ng pamahalaang pambarangay ng Pleasant Hills. Isang Banal na Misa ang siyang naging hudyat sa pagsisimula ng nasabing programa sa pangunguna ni CPT LEONARDO E DOLLENTAS CHS (RES).
Sa kabuuan, may isang daan at dalawampu’t walo (128) ang nakinabang sa libreng gupit na isinagawa ng mga barbero mula sa CMO Battalion, habang may apat na pu’t isa (41) naman ang nabigyan ng libreng konsultasyong legal, affidavit at notaryo mula sa Judge Advocate General Service (JAGS) ng Technical Service Brigade.
Namigay din ng libreng kalendaryo ang mga kawani ng CMOBn sa mga residente.
Laking pasasalamat ng mga residente sa mga kasundaluhan dahil sa mga iba’t ibang programang ibinababa nila sa mga komunidad ng Metro Manila na nakakatulong sa mga kapos palad nating mga kababayan.