Pinuri ng mga residente ng Brgy Pasong Tamo, Quezon City partikular na ng mga samahang KAMAMA O KAPATIRAN NG MARALITANG MAMAMAYAN at GAWAD KALINGA gayundin ng buong BARANGAY COUNCIL ang mga sundalong miembro ng 1st Squad, 1st Platoon ng 3RD CODE COY sa pamumuno ng team leader nito na si CAPT ORLANDO L TELAN dahil sa pagiging sensiro at dedikado ng mga ito sa pagtulong sa kanilang barangay.
Ito ang laman ng mensahe ni BRGY CAPTAIN MARIVIC CO-PILAR sa ginanap na information ang awareness ng nasabing unit nitong nakalipas na ika-24 ng Abril. Ayon kay Brgy Capt. Marivic Co-Pilar hindi lamang malaki ang naitulong ng mga kasundaluhan ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa kanilang lugar kungdi nakapagbigay din ang mga ito inspirasyon sa mga kabataan na siya umanong panginahing sektor na kanyang pinagtutuunan ng pansin sa kasalukuyan.
Idinagdag pa ni Kapitana Pilar na dahil sa pagdating ng mga sundalo ng 3rd CODE Coy sa pamumuno ni CAPT FRANCIS BALAN nawala ang mga sumpakan, riot ng mga kabataan, nabawasan din ang mga insidente ng nakawan, nawala ang mga nag-iinom sa gilid ng kalye at higit sa lahat sa pamamagitan lamang ng pakikipag-ugnayan sa mga kabataan nakakita ng panibagong alternatibo ang mga ito at inspirasyon.
Inamin din ng kapitana na noong nag-aaral pa siya sa De La Salle University ay muntik na rin siyang umakyat sa kabundukan dangan nga lamang umano ay naging matibay ang paninindigan ng kanyang ina na pagbawalan siya sa mga aktibidades ng kanyang grupo. Ikinuwento pa ng kapitana na tuwing biyernes ay nawawala na siya at kung anu-anong alibi ang sinasabi sa kanyang ina makasama lamang sa kanyang grupo. Binigyang diin ni Kapitana Marivic na lahat nang naiprisinta ni CAPT MARIO JOSE CHICO sa kanyang briefing ay base sa katotohanang mga pangyayari ng pagrerekluta ng mga komunistang kilusan hindi lamang sa mga pabrika o pagawaan kungdi higit sa lahat sa loob ng mga kolehiyo at unibersidad sa kamaynilaan.
Samantala ipina-abot naman ni GINOONG RONNIE DE LEON, pangulo ng GAWAD KALINGA ng Brgy Pasong Tamo ang taos pusong pasasalamat sa CMO BATTALION. Ayon kay Mang Ronnie malaki ang ipinagpasalamat nila sa namumuno ng CMO Battalion na si COL BUENAVENTURA C PASCUAL gayundin sa lahat ng mga opisyal at kasundaluhan nito dahil sa pagpili sa kanilang lugar na magkaroon ng deployment. Ayon kay Mang Ronnie kung nagmamalasakit ang mga sundalo sa kanilang mga taga- Brgy Pasang Tamo mas higit umanong dapat na silang mga maninirahan ang magmalasakit dito.
Binigyang diin ni Mang Ronnie na totoo ang sinabi ni Kapitana Marivic na malaki ang naitulong ng presensiya ng mga kawal sa kanilang lugar. Mula umano sa unang araw na magkaroon ng mga sundalo sa kanilang barangay nabawasan ang insidente ng nakawan. Idinagdag pa ni Mang Ronnie na ayon sa mga impormasyong kanyang natatanggap ay nilisan na ng mga magnanakaw ang kanilang lugar dahil sa takot sa mga sundalo.
Sa pangkalahatan naging mabunga ang palitan ng kuro-kuro ng mga residente at miembro ng Speaker’s Bureau Team sa pamumuno NI CAPT MARIO JOSE CHICO, CAPT ORLANDO TELAN, LT GLENDA GANO, SSGT NELSON SALAMATIN, PFC RANILO CONSTANTE, PFC ZYRA WARIZA at iba pang miembro ng 1st SQUAD, 1ST PLATOON ng 3RD CODE COMPANY.