News

Beyond Reasonable Doubt

COMMUNITY OUTREACH PROGRAM SA CEMBO, MAKATI CITY

Cpl Tejero


         

        Matagumpay na naisagawa ang Outreach Program na ipinagkaloob ng kasundaluhan ng 7CRG, CRS, AFP; JCMOTF-NCR, NCRCOM, AFP; CMOBN, CMOG, PA at FBGH sa mga residente ng Cembo, Makati City noong ika-25 Abril 2010.

 

        Layunin ng programang ito na ipamalas ang pikikisama ng kasundaluhan at kusang loob na matulungan ang mga kababayan nating nangangailingan at mabigyan ng libreng pagkain lalo na ang mga kabataan.

 

           

 

         

         Nagsimula ang programa sa ganap na alas otso ng umaga sa pangunguna ni COL. GALON ng 7CRG at ni MAJ FERRER. Makikita sa mga mata ng mga residente ang kagalakan habang pumipila sila para mapagkalooban ng mga Libreng gamot at libreng check-up kasama din ang libreng bunot ng ngipin mula sa mga sundalong opisyal ng FBGH. Buhat sa TALIMA Organization, hindi inalintana ng mga residenteng may depekto sa mata ang init ng panahon upang makakuha lamang ng libreng salamin sa mata. Ayon sa isang ginang, hindi niya inisip na siya’y may kapansanan at nagsumikap siyang makipagsiksikan sa pila ngunit siya’y tinulungan ng mga sundalo at nakakuha siya ng libreng salamin sa kanyang mata. Bakas sa mga mata ng ginang ang kagalakan nang kanyang maisuot ang salamin at nagpasalamat siya sa mga sundalong nag-abot ng tulong sa kanilang barangay.

 

         Ang mga nabenepisyuhan sa libreng medical check–up at libreng gamot sa pagseserbisyo AFP Medical Center at FBGH ay tatlong daan at dalawang put lima (325), sa libreng bunot ng ngipin sa pagseserbisyo ng TDCS ay walumpu’t siyam(89) at sa libreng pagkain sa tulong ng TALIMA Organization ay Anim na daan (600), ang mga nakinabang naman sa libreng check-up sa mata at libreng salamin ay isang daan at pitumpu’t tatlo (173) at pitumpo (70) naman ang nakinabang sa libreng gupit para sa mga kabataan mula sa kasundaluhan ng CMOBn.

 

         Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas at sa mga Government at Non-Government Organizations sa pagtutulungan ng mga ito upang maipa-abot sa mga nangangailangnan ang mga pangunahing serbisyo publikong pangangailangan ng ating mga mamamayan.