Humigit kumulang sa isang libong (1,000) first year students ng National Service Training Program o NSTP ang dumalo sa ginanap na information drive ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa Colegio de San Juan de Letran nitong nakalipas na araw ng sabado, ika 24 ng Enero. Ginanap ang info drive sa SC Hall na kung saan dinaluhan din ng mga guro ng NSTP sa pangunguna ni MR JEFFREY CONSIGNADO, Director ng Student Services and Cultural Affairs.
Positibo ang naging resulta ng info drive dahil isang estudyante na kinilalang si “Vanna” ang nagkuwento tungkol sa isang second year college student na kumukuha ng kursong Political Science at kinilalang si Rian o Katkat ang tuluyan nang hindi nakapag-enroll nitong second semester. Ayon kay Vanna malaki ang duda niya na tuluyan nang sumama si Katkat sa mga kasamahan nitong aktibista sa pag-akyat sa bundok dahil nito umanong nakalipas na first semester ay walang palya si Katkat sa pagdalo sa mga rally. Idinagdag pa ni Vanna na madalas na dumalo sa pagpupulong ng LFS si Katkat sa PUP Sta. Mesa na kung saan anya ang huling dinaluhan nito ay and Cult Night noon November 28, 2008.
Samantala tatlong estudyante din ng PoliSci na kinilalang sina Luisa, Ryan at John ang nagsabi na kasalukuyan na silang nirerekrut ng prenteng organisasyon ng LFS. Binanggit ng tatlo na malaki ang ipinagpapasalamat nila sa CMO Bn sa pangunguna ni CAPT MARIO JOSE CHICO dahil bago pa man sila mahikayat ay napakinggan na nila ang mga kaalamang ibinabahagi ng unit.
Ipinaabot din ng mga NSTP facilitators and kanilang taos pusong pasasalamat sa namumuno ng CMO Battalion na si COL BUENAVENTURA C PASCUAL dahil umano sa ipinapakitang sigasig nito na makapaglibot ang Speaker’s Bureau ng unit sa iba’t-ibang paaraalan , kolehiyo at unibersidad sa buong Metro Manila upang mabigyan ng babala at sapat na kaalaman ang mga kaestudyantehan sa pagsapi sa mga prenteng organisasyon. Nangako din si Mr. Consignado na ihahain niya sa Consortium ng Intramuros ang info drive upang siya umanong magbukas ng daan para sa iba pang paaralan sa nasasakupan ng consortium na maging kabalikat sa nasabing proyekto ng CMO Battalion.
Kapuna-punang naging higit na interesado ang mga estudyante ng Colegio de San Juan Letran nang ihain na ni CAPT CHICO ang ilang katanungan na kung sino sa kanila ang nag-enroll sa nasabing kolehiyo na ang layunin ay umakyat sa kabundukan o sino sa kanilang mga magulang ang nagpa-aral ng kanilang mga anak na layunin lamang huwag makatapos at humawak ng armas. Ayon sa mga estudyante wala silang nakitang masama sa ibinahaging mga impormasyon ng Speaker’s Bureau ng CMO Battalion bagkus anya ay nakita at higit sa lahat naramdaman nila ang konserna ng HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS particular na ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA PASCUAL.
Ayon sa ilang mga estudyanteng kusang loob na nagbigay na impormasyon na ngayon ay nakakaranas ng pagrerekluta ng LFS o League of Filipino Students, naging mas mulat sila sa tamang kamulatan dahil sa mga natutuhan nila sa nasabing info drive. Binanggit pa ng ilan na bagamat hindi nakakapasok sa kanilang paaralan ang mga recruiter ay inaabangan naman sila ng mga ito sa labas ng campus. Magiging sandata umano nila ang mga impormasyong ito upang maging mapanuri at mapag-obserba upang maging batayan nila sa gagawin nilang pagdedesisyon. Ayon kay “Ryan” sa mga nakita at napanood nilang video documentary ng mga estudyanteng namatay at nawasak ang kinabukasan ay sapat na para hindi sila sumapi sa mga prenteng organisasyon.