News

KAGAWAD INZON KINUMPIRMA ANG PAGKILOS NG PRENTENG ORGANISASYON SA AREA D NG BRGY PAYATAS

Agnes Lopez Reano


        

           “Maraming lider ang pumupunta sa ganitong area para manghikayat ng mga kabataan na residente dito para bigyan ng doktrinang panglaban sa gobyerno”, ito ang matapang na rebelasyon ni KAG. RIZALDY INZON, isa sa mga kagawad ng BRGY PAYATAS, QUEZON CITY.  Nauna dito matagumpay na naisagawa ng 3rd SQUAD, 3RD PLATOON ng 3RD CODE COY sa pakikipag-ugnayan ni CPL RENATO B GARCIA sa mga residente at barangay officials gayundin ng iba’t-ibang community leaders at purok leaders ang information and awareness drive nitong ika-27 ng Abril na kung saan dinaluhan ng humigit kumulang sa dalawang daang residente nito. 

 

            Ayon kay Kag. Inzon talagang ang Area D ng Brgy Payatas dahil sa bundok-bundok na ay kinikilusan ng mga prenteng organisasyon.  Ginagamit umano at pinagsasamantalahan ng mga grupong ito ang kahirapan sa kanilang lugar at ginagamit ito upang galitin ang kanilang mga residente laban sa gobyerno.  Malaking bagay umano ang ginagawa ng SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS lalo na ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pagbibigay ng tamang impormasyon lalo na ang ginagawang pagpapaalam ng mga kasundaluhan na walang mabuting gagawin ang mga ginagawang panghihikayat ng mga grupong ito sa kanilang mga anak lalo na sa mga estudyante.

 

            Lubos umanong nagpapasalamat ang kanilang barangay sa pangunguna ni BRGY CAPTAIN ROSE DADULO sa mga proyektong ipinatutupad ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno NI COL BUENAVENTURA C PASCUAL sa kanilang lugar.  Bukod anya sa information drive marami na ring ipinatupad na proyekto ang CMO Battalion sa kanilang lugar na direktang napakinabangan ng mga residente dito.

 

           Bukod kay Kag. Inzon nagpasalamat din ang isang ginang sa mga opisyal at sundalo ng CMO Battalion sa pagbibigay sa kanila ng magandang pangaral sa kung papano nila gagabayan ang kanilang mga anak.

           Sa pangunguna ni CAPT FRANCIS BALAN patuloy na nagiging dedikado ang mga miembro ng 3rd CODE COY sa kanilang paglilingkod sa mga residente ng Brgy Payatas. Ayon sa isang ginang na nagpakilalang si “Aling Luding” medaling lapitan at kausapin lalo na hingan ng tulong si CAPT. BALAN kung kaya’t napatunayan nilang malinis at tapat ang hangarin ng CMO Battalion sa kanilang lugar.

 

            Ilan lamang sa mga organisasyong dumalo ay ang Samahang Leyteno sa pangunguna ng pangalawang pangulo nito na si GINOONG PAMILARA SALVACION, ang barangay council sa pangunguna ni KAG RIZALDY INZON. KAG JULIET PENA, KAG CESAR RAPOL at SIR EDWIN ang barangay secretary na siyang tumayong emcee ng programa.

 

            Bukod sa kumpirmasyon ni Kag Inzon sa pagkilos ng mga prenteng organisasyon sa kanilang barangay lalo na sa Area D, inamin din ng isang purok leader na kinilalang si “Aling Norma” na pinuntahan siya kamakailan lamang ng ilang lider at miembro ng isang prenteng organisasyon at hinihikayat na sumapi sa kanilang grupo.  Ayon kay Aling Norma totoong kumikilos sa kanilang barangay ang mga grupong wala na umanong ginawa kungdi ang galitin ang kanilang mga kabarangay.

 

            Binigyang diin ni Aling Norma na nitong nakalipas na ilang lingo ay sa mismong tahanan niya pa pumunta ang mga grupo ngunit tahasan umano niyang tinanggihan ang mga ito dahil sa tagal na umano ng panahon na pabalik-balik ang mga ito sa kanilang barangay ay wala naming konkretong mga proyekto na ibinibigay sa kanila.

 

            Ayon kay Aling Norma kungdi pa sa mga sundalo ay hindi pasila makakatikim ng mga medical mission at proyekto pang-imprakistraktura tulad ng day care centers. 

 

            Nagpa-abot din ng pasasalamat sina Kag Pena at Kag Rapol sa pamunuan ng CMO Battalion at sinabi pa ng mga ito na lagging “welcome” ang mga sundalo sa kanilang barangay dahil nakikita at nararamdaman naman nila ang kagalingang hatid ng mga ito.

 

           Mensahe din ng mga tao ay sana daw ipagpatuloy ng mga sundalo ang ganitong klase ng kampanya para mamulat ang mga tao sa totoong hangarin ng mga gahaman at mapagkunwaring mga prenteng organisasyon.