“PAPANO NATIN MABABAGO ANG MUNDO KUNG ANG MGA SARILI NATIN AY HINDI NATIN KAYANG BAGUHIN. DAPAT NA MAGSIMULA ANG PAGBABAGO SA SARILI” ito ang matapang na pahayag ni RONALD JUICO Fourth Year Sec- Bravery isa sa mga estudyanteng dumalo sa ginanap na information and awareness drive ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa nabanggit na paaralan nitong ika-14 ng Agosto.
Nasa isang daan at limampung (150) fourth year students ng Sections Amity, Bravery at Charity ng JOSE P LAUREL HIGH SCHOOL sa Tondo, Manila ang naging partisipante sa nasabing info drive na lubos na ipinagpasalamat ng Principal nito na si MR ANTONIO D ALEJANDRO. Sa pangunguna ng Guidance Counselor na si MRS THEOPILA VILLANUEVA at Curriculum Chairman na si MRS SYLVIA PAGUIO naging mabunga ang pakikipagdiyalogo na isinakatuparan ng 1st CODE COY sa pangunguna ni 1LT ELIEZER M BEJARIN at 1LT FAUSTINO F SUDIO.
Sa pangkalahatan iisa ang naging pananaw ng mga estudyante “na hindi dapat na basta maniniwala sa mga isyung naririnig at napapanood nila bagkus dapat na maging mapanuri ang bawat isang kabataan.” Ayon kay LEI, mahirap na basta na lamang kakagatin ng mga estudyante at kabataan ang bawat iskandalong pampulitika na inihahain ng mga prenteng organisasyon, dapat anyang idaan ito sa tatlong proseso bago isapraktika ang anumang desisyon, ang tatlo anyang dapat na gawin ng mga kabataan ay “MAG-OBSERBA, MAG-ARAL at MAG-ANALISA” bago magsa-praktika.
Ayon naman kay CHARMIE masuwerte sila at naging bahagi sila ng info drive ng CMO Battalion dahil hindi umano matatawaran ang kanilang mga natutuhan sa nasabing activity. Una na anya ay ang narinig nilang paliwanag ni 2LT WINNIE REBLORA, ang mga napanood nilang video clips ng mga estudyanteng minalas na napasama sa prente at ang narinig nilang testimonya ng isang dating NPA. Kailanman anya ay hindi niya iiwanan ang paaralan, binigyang diin ni Lei na mas lalo niyang pagbubutihin ang kanyang pag-aaral, kung noon anya ay doble ang kanyang pagsisikap para makakuha ng mataas na grade, gagawin pa umano niya itong triple para hindi mabigo ang kanyang mga magulang.
Nagpa-abot ng taos pusong pasasalamat si JUAN CARLOS GREEN ang President eng STUDENT COUNCIL sa CMO BATTALION at pamunuan nito sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL (MNSA) PA, dahil kung hindi umano pinagtutuunan ng mga kasundaluhang miembro ng nasabing unit ang ganitong Gawain marami pang mga bata ang mahihimok na sumapi sa mga prenteng organisasyon na siya naming magiging sanhi ng pagkasira ng kanilang kinabukasan at maagang kamatayan. Ayon pa kay Juan Carlos nakakalulungkot lamang tanggapin na marami nang estudyante ang nasira ang pag-aaral at namatay sa isang labanang walang saysay. Ayon pa kay Juan Carlos wala naming masamang maging mulat pero tama anya ang sinabi ng dating rebelled na “MAGING MULAT SA TAMANG KAMULATAN” hindi yung basta na lang maniniwala sa mga propaganda ng mga grupong nagkukunwaring ipinaglalaban ang naaping Pilipino.
Pinangunahan ni 2LT WINNIE REBLORA ang Speakers Bureau Team ng CMO Battalion, samantalang sa matiyagang pakikipag-usap naman ni 1LT ELIEZER M BEJARIN at 1LT FAUSTINO F SUDIO ay matagumpay na naisagawa ang info drive sa JPLHS sa Tondo, Manila.
Nagpasalamat din ang Principal na si MR ANTONIO D ALEJANDRO sa CMO Battalion at sa pangkalahatan sa HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS dahil sa malaking pagbabago ng mga kasundaluhan, ang ngayon ay mapayapang tugon sa problemang panloob ng bayan at higit sa lahat anya ang pagtutok sa mga paaralan na siya umanong pinagmumulan ng mga kabataang nahihimok sumapi sa mga organisasyon. Binigyang diin ni Mr Alejandro na malaking tulong ang info drive sa kanilang mga guro at higit sa lahat sa mga magulang na nagkakatiwala ng kanilang mga anak sa Jose P Laurel High School.