Inamin ng isang fourth year student na aktibo ang League of Filipino Student sa kanilang paaralan matapos na mapakinggan ang lecture ng Speaker’s Bureau ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION na ginanap nitong ika-13 ng Agosto. Ang pag-amin ng estudyante ay bunsod na rin sa kanyang mga napanood na video clips hinggil sa mga kabataang nagging kasapi ng LFS na tuluyan nang umakyat ng bundok, humawak ng armas at bahagi ng madugong digmaan na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan. Dinaluhan ng isang daan at limampung (150) fourth year students at nang mayorya ng mga guro ang nasabing info drive base na rin sa utos ng Principal na si MS ALMEDA M MAESTRO.
Pinangunahan ni CAPT MARIO JOSE CHICO at 2LT WINNIE REBLORA, at Technical Team ng CMO Bn ang information drive at pakikipagdayalogo sa mga fourth year student at kaguruan. Sa pangunguna naman ng mga Advisers ng SECTION 1 MS PEBY PABALINAS; SECTION 2 MRS SUSAN ZALUN; SECTION 3 MS KIA LIGUITAN at SECTION 4 MRS ELIZABETH CABURIAN at iba pang mga guro nagging mabunga at positibo ang usapan.
Ayon sa isang estudyante na isa sa mga opisyal din ng Student Council na umaming miembro siya ng LFS ang pangunahing isyung isinusulong nila bilang tulong sa kanilang mga guro na miembro naman ng BALARA HIGH SCHOOL FACULTY CLUB ay ang tungkol sa HB 4734 na naglalayong dagdagan ang suweldo ng kaguruan. Itinuro pa ng estudyante ang isang tarpaulin ng QCPSTA at ACT na nakasabit sa gusali sa kanang bahagi ng paaralan pagpasok sa gate na siyang nagsasaad ng kahilingan ng mga guro. Ayon kay “Mikaela” bagamat lehitimo ang kahilingan mas naiintindihan niya umanong dapat na daanin ang petisyon sa isang mapayapang pakikipag-usap o pakikipag-pulong sa konsernadong ahensiya ng pamahalaan upang hindi umano magamit ang isyu na magsisilbing mitsa ng hindi pagkaka-unawaan. Ayon kay Mikaela hindi lamang niya narinig sa pagpapaliwanag ni CAPT CHICO ang kahihinatnan ng mga kabataang mahihimok na sumapi sa mga prenteng organisasyon na kalaunan ay naitutulak na sumama sa mga kilos protesta, bagkus anya napanood pa niya ang ilang kaso ng mga estudyante na sumapi sa prenteng organisasyon, sumama sa rali at katapusan umakyat sa bundok at sumama sa digmaang nagging sanhi ng maaga nilang kamatayan at pagkasira ng buhay, at dagdag pa umano dito ay napakinggan din niya ang testimonya ng isang dating estudyante na naging NPA.
Binigyang diin ni Mikaela na sapat na ang kanyang napanood at narinig para maunawaan ang mga mapanlinlang na istratehiyang ginagamit ng mga prenteng organisasyon ng komunistang kilusan. Nagpa-alala din si Mikaela sa kanyang mga kamag-aral sa Balara at sa mga kabataan na walang masama na maging bukas ang isipan sa mga kaganapang sosyal, politikal at ekonomiya ng bansa, wala din umanong masama na maging aktibista, yun nga lamang umano ang pagiging aktibista dapat ng estudyante ay ang pagiging aktibo sa pag-aaral, pagsunod sa magulang at pagiging aktibo sa pagiging isang responsableng mamamayan ng kanyang komunidad, bayan at bansa.
Bukod kay Mikaela, nagpahayag din ng pananaw ang isa pang estudyante na nagpakilalang si “LLYOD”. Ayon kay Llyod nakakadismaya na mapakinggan at mapanood na ang mga grupong panay ang sigaw sa lansangan ng “respeto sa karapatang pantao” ang siya pang pangunahing lumalabag sa karapatan ng mg kabataan. Binigyang diin ni Llyod na pangunahing nilalabag ng mga prenteng ito ay ang karapatan ng isang bata sa ligtas na pamumuhay at pag-aaral. Binigyang diin ni Llyod na hindi lamang ang dalawang nabanggit na karapatan ang nalalabag bagkus lahat ng karapatan ng isang bata na nasasaad sa CARHRIHL at CONVENTION OF THE RIGHTS OF A CHILD na ayon sa kanya ay inadopt sa General Assembly ng United Nations noong November 1989.
Naisakatuparan ang information drive sa pamamagitan ng 3rd CODE Coy sa pangunguna ni CAPT FRANCIS BALAN. Taos puso naming nagpasalamat si MS MAESTRO ang principal ng nasabing paaralan sa pamunuan ng CMO Battalion sa pangunguna ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL (MNSA) PA. Ayon sa ilang guro ng nasabing paaralan kung hindi nagkaroon ng info drive ay malamang tuluyan na silang madadala sa mga pang-aahita ng mga prenteng organisasyon. Tuloy pa rin umano ang pagsusulong nila sa kanilang kahilingan na dagdag sahod pero hindi na sila pabubulag sa mga isyung pilit na isinasaksak sa kanilang isipan bagkus gagamitin ang kanilang tamang pag-aaral, pagpapasya at pagkilos sa isang mapayapang paraan.