News

INFORMATION/AWARENESS DRIVE SA MALABON, MANDALUYONG AT QUEZON CITY MATAGUMPAY

Cpl Tejero


         

         Matapos na gunitain natin ang Araw ng mga Kaluluwa noong ika-1 Nobyembre bilang pag-alala sa mga namayapa nating kapamilya, nag-inisyatiba si COL BUENAVENTURA C PASCUAL MNSA (INF) PA, Commanding Officer ng CMOBn at JCMOTF na magsagawa agad  ng sunod-sunod na Information/Awareness drive na pinangunahan nina CPT CUTILLON, 2LT REBLORA at ni Ginang Agnes Reaño noong ika-4 Nobyembre sa Brgy Longos ng Malabon. Sinundan din ito noong ika-6 Nobyembre sa Sangguniang Panlungsod Session Hall at sa Mandaluyong City at ika-7 ng Nobyembre 2009 sa Brgy Loyola Heights, Quezon City sa  pakikipag-ugnayan ng 750th Combat Group at 751st CS ( CARE Tm 1) na pinamunuan ni 1LT ESPINOLA PAF  sa mga opisyales ng nasabing barangay.


           

 

         Ang layunin ng Information drive ay mamulat at maliwanagan ang mga mamamayan sa mga mapanlinlang na stratehiyang ginagawa ng kumunistang CPP/NPA/NDF upang sumanib sa kanilang organisasyon. Ang programa ay dinaluhan ng mahigit animnapung katao(60) na pinamumunuan ni Brgy. Captain Melchor F. Pablo ng Brgy Longos, Malabon. Mahigit animnapung katao(60) din na pinamumunuan ni Hon. Rene Sta. Maria, Vice-Mayor ng Lungsod ng Mandaluyong at mahigit walumpung katao(80) na pinamunuan ni Brgy. Captain Caisar P. Marquez ng Brgy. Loyola Heights, Quezon City. 


         Malugod naman ang pagtanggap ng mga opisyales ng lokal na gobyerno, barangay at mga residente sa ginawang information drive ng mga kasundaluhan at malaking pasasalamat nila dahil naliwanagan sila sa mga binabalak ng CPP/NPA/NDF na magrekrut ng mga kabataang estudyante na maaari nilang linlangin upang sumanib sa kanilang samahan.


         Ayon kay Edwin C. Canaya, residente sa Brgy Loyola Heights, “napakaganda ng programa ng CMOBn at JCMOTF na information drive sa aming mga mamamayan dahil nalalaman namin  ang masamang binabalak ng mga mapagpanggap na komunista hindi lang sa katulad naming mga magulang pati na rin sa mga kabataang nererikrut ng di nila namamalayan at magiging dahilan ng pagkasira ng kanila pangarap at buhay”. 

 
        Ani pa niya “Sana ay di magsawa ang mga kasundaluhan na maglingkod sa mamamayan at nagpapasalamat din kami sa mga sakripisyo na ginagampanan ninyo para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng ating bayan”.