News

Beyond Reasonable Doubt

Operasyon Linis ng mga Sundalo sa Estero De Paco

Cpl Tejero


         

         Noong ika-10 ng Abril taong 2010 sa ganap na alas sinko ng umaga (5am) ay matagumpay na naidaos ang “Operasyon linis” sa Estero De Paco sa pangunguna ng kasundaluhan ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng ABS-CBN Foundation.

 

         Naging tema ng programa ang “Sagipin ang Ilog Pasig”, dito ipanakita ng mga sundalo ang kusa at walang sawang pagbibigay serbisyo sa ating bayan. Layunin ng programang ito na maagapan ang problema na maaring ikasisira ng ating kalikasan at kabuhayan.

 

           

 

         

         Dumalo ang may isang daan at walong (108) katao sa pangunguna ng kasundaluhan ng 1st ARCEN, 11th RRAG at BCMT trainees sa pamumuno ni LTC ARAUS ROBERT F MUSICO PAF (GSC), Commanding Officer, 1st ARCEN. Kasama din sa programa ang kasundaluhan ng CMOBn at NCRCOM, AFP. Naging kapanayam din sa programa ang ABS-CBN upang ipabatid sa buong kapuluan ang kabayanihang ipinagkakaloob ng mga sundalo para sa ikabubuti ng ating kapaligiran. Naging panauhin sa programa ang Group Commander ng NCRCOM, AFP na si RADM FELICIANO A ANGUE, AFP. Kasama din sa programa ang mga naggagandahang kalahok sa Miss Earth Beauty Pageant na hindi inalinta ang init ng panahon upang makatulong sa pagsagip sa ating kalikasan. Natapos ang programa sa ganap na ala una ng hapon(1:00) at masayang bumalik ang mga tropa sa kani-kanilang mga himpilan.