Simpleng tulong lang kung iisipin ang mga ginagawa ng mga kasundaluhan sa pamamagitan ng paglulunsad ng medical/dental mission, libreng gupit, tuli at pakain pero para sa mga residente na nababahagian ng tulong malaking kaginhawaan na ang dulot nito sa kanila. Kaugnay nito isang joint medical and dental mission, operation tuli, feeding at free-haircut ang isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga doctors at staff ng Fort Bonifacio General Hospital na binubuo nina Dra. Irna G Oris,MD, Dra. Mary Grace Dalagan,Dr. Eugelio Mallare, Dr. Domingo Ballayo,SSg Teofilo Pascua (MS) PA (aidman) at PFC Ma. Catherine Aranio (EW) PA (nurse).Kaagapay din ang grupo ni Brgy Chairman Jose D Clet, Chairman ng Damayang Lagi, Quezon City,non-government organizations, nagbubuklod na samahan ng Damayang Lagi sa pamumuno ni Chairman Jing Medallo, indibidwal at ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL nitong ika-22 ng Abril sa nasabing barangay na kung saan mayorya sa mga residente dito ang nabiyayaan.
Ipinadala ni COL PASCUAL ang mga sundalong manggugupit mula sa iba’t-ibang code na nakadeploy sa Metro Manila at Headquarters Coy upang maglaan ng libreng gupit sa mga residente, gayundin ang ilang kasundaluhan upang magbigay naman ng seguridad at tumulong sa pagsasagawa ng libreng pakain, libreng tuli at medical at dental mission. Bahagi na ng serbisyo ng CMO Battalion ang pagbibigay ng mga libreng serbisyo sa mga residente kung saan nakadeploy ang mga miembro nito.
Nabiyayaan ng libreng konsulta at gamot ang isang daan at limampu’t talo (153) residente, apat na put apat (44) na indibidwal naman ang nabiyayaan ng libreng gupit at pitumpu’t talo (73) ang nakinabang sa libreng tuli. Sa tuwing nagkakaroon ng aktibidad ang CMOBn sa Damayang Lagi Quezon city, katuwang lagi si Brgy Chairman Jose Clet.Bilang pagkilala sa mga serbisyong binibigay ng mga sundalo sa kanilang lungsod, nagpa-abot ng taos pusong pasasalamat si Chairman sa pamunuan ng Quezon City at higit sa lahat ng CMO Battalion. Ayon kay Kapitan Clet ang paglalaan ng serbisyo ng mga miembro ng 3rd CODE COY at ng buong CMO Battalion ay malaking tulong at kaginhawahan sa kanilang mga residente.Ipinaabot din ng grupo ng Nagbubuklod na Samahan ng Damayang Lagi sa pamumuno ni Chairman Jing Medallo ang kanilang hindi matatawarang pasasalamat sa mga naging bahagi ng proyektong ito. Hindi lamang umano sa libreng gupit, pakain,tuli at medical and dental mission nila nakakaagapay ang mga kasundaluhan kungdi higit sa lahat sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang barangay.
Mula naman sa grupo ng mga residente na nabiyayaan sa proyektong ito, nagpayahag ng pasasalamat si Ginang Gloria M Cardenas. Ayon sa kanya malaking tulong umano sa mga residente ang mga programang pinatutupad ng Philippine Army particular ang CMOBn sa kanilang lugar at sa iba pang lugar na lubos na nangangailangan ng tulong. “Kitang-kita at ramdam ng mga tao ang kagandahang loob na ginagawa ng mga sundalo dito sa lugar namin kaya ang masasabi ko lang sa mga tao makipagtulungan sa mga sundalo para sa mas ikauunlad ng ating lugar”, dagdag pa ng Ginang.