Positibong inamin ng isang gurong kinilalang si “Ms Postre” na nitong nakalipas na taong 2006 ay dalawang babaeng estudyante ng kanilang paaralan ang tuluyan nang sumapi sa armadong kilusan. Boluntaryong ibinahagi ni Ms Postre ang impormasyon matapos na maliwanagan sa tunay na adhikain ng CPP-NPA-NDF matapos namang mapakinggan ang mga impormasyon hinggil dito sa ginanap na information and awareness drive ng 701st Infantry Brigade sa pamumuno ni COL GOMINTO PIRINO.
Nitong nakalipas na ika-24 ng Marso ay naisakatuparan ang info drive ng 701st Brigade sa pangunguna ni LT ERANIO VILLAMEL kasama sina SSG ROLANDO DE LA TORRE, SSG ALEX DALIVA, CPL MICHAEL PARAS, PFC JESUS CINCO at PFC FERDINAND BENTILLA sa kooperasyon na rin ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL. Naging bahagi ng speaker’s bureau ng 701st Brigade ang isang rebel returnee na miembro naman ng CMO Bn na kung ito ang nagapaliwanag hinggil sa ginagawang mapanlinlang na istratehiya ng mga komunistang organisasyon sa pagrerekluta sa mga kabataan at estudyante.
Dumalo ang humigit kumulang isang daan at dalawampung (120) esdtudyante ng Iba High School na mula first year hanggang fourth year level. Ayon sa isang estudyanteng nagpakilalang si “Wella” siya man ay muntik nang sumapi sa armadong kilusan noong siya ay nasa second year pa lamang. Ayon kay Wella madalas umano silang isama ng isang grupo ng armadong kabataan sa mga bulubunduking bahagi ng San Jose, Tarlac at ditto isinasailalim sa mga pag-aaral.
Sinang-ayunan naman ng ilang mga estudyanteng fourth year ang sinabi ni Wella na kahit na sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa patagong pakikipag-ugnayan ang mga armadong kabataan sa kanilang ibang kaklase. Minsan anya ay dumarating ang mga ito kung kelan uwian na at kadalasan umanong inaabangan silang mga magkaklase sa daan at doon at binibigyan ng aral. Sinabi naman ni Joshua na nitong nakalipas na ilang linggo lamang ay mayroong nagyaya sa kanila na “mag EXCURSION” sa Pampanga.
Nagpasalamat naman si MR EDWARD CAYABYAB, Teacher-In-Charge ng araw na iyon sa pamunuan ng 701st Infantry Brigader at Civil Military Operations Battalion kasabay ng paghiling na sana ay maisagawa din ang katulad na info drive sa main building ng Iba High School at iba pang paaralan hindi lamang sa kanilang barangay kundi sa buong lalawigan ng Tarlac. Ayon kay Mr Cayabyab sa ipinaliwanag ng mga kasundaluhan marami silang natutuhan at nalamang impormasyon na hindi pangkaraniwang natutuhan sa loob ng paaralan o nababasa sa kahit anong pahayagan o libro. Ang mga impormasyon umano ay hindi lamang sila ang nakinabang kungdi higit sa lahat ang kanilang mga estudyante na medyo may kapusukan.
Naisakatuparan ang info drive dahil na rin sa ginawang kooperasyon ng Principal ng paaralan na si MR ESMENIO CARRERA samantalang dumalo naman ang ilang barangay officials ng Iba. Nangako si Mr Carrera na magiging regular na bahagi na ng kanilang oryentasyon sa tuwing pagbubukas ng klase taun-taon ang nasabing information drive ng 701st Brigade at CMO Battalion upang mabigyan ng tamang babala ang kanilang mga estudyante sa tamang organisasyon o grupo na kanilang sasamahan o sasalihan.
Binigyang diin naman ni LT VILLAMEL na walang masamang sumapi sa isang organisasyon ang mahalaga ay maging mapanuri at mapagmatyag ang bawat isang estudyante upang hindi masira ang kanilang kinabukasan. Sa pangkalahatan nagpasalamat ang mga estudyante ng IBA HIGH SCHOOL sa SAN JOSE, TARLAC sa buong SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS dahil na rin sa ginagawa nitong pagsisikap na mabigyan ng tamang impormasyon ang katulad nilang mga kabataan sa buong kapuluan.