News

"Brigada Eskwela 09"

Ni Pfc Lorenzo


        

           Ang brigada eskwela ay taon-taon na isinasagawa sa mga paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan. Isinasakatuparan ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga guro, magulang at mga estudyante.

 

           Sa pagkakataong ito, naging mas madali ang trabaho dahil katuwang na ng mga guro at estudyante ang mga sundalo sa pagsasaayos ng mga paaralan bago magpasukan.

 

           Ngayong taong ito, ang brigada eskwela ay sinimulan noong ika-18 at natapos noong ika-22 ng Mayo ng taong kasalukuyan. Ang Ricardo P Cruz Sr. Elementary School sa Lower Bicutan, Taguig City ay isa sa mga paaralan ang nabigyan ng serbisyo ng mga sundalo ng CMOBn at kaagapay din ang mga sundalo ng Task Force NILAD, NCRCOM. Tulong-tulong ang mga sundalo, mga guro, magulang at estudyante sa paglilinis at pagkukumpuni sa mga nasirang gamit sa paaralan. Pati paglilinis sa kapaligiran ay napadali dahil sa tulong ng mga sundalo.

           Bilang ganti sa kagandandahang loob na ginawa ng mga sundalo sa paaralan nila, ipinaabot ni Ginang Benita G Valle, punong-guro ng nasabing paaralan ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa walang kapaguran at hindi mababayarang serbisyo ng mga sundalo sa kanila. Sinabi din ng punong-guro na napadali ang kanilang trabaho dahil sa kanilang tulong. Naging magaan ang pagsasaayos sa kanilang paaralan. Malinis at handa na ang kanilang paaraalan sa darating na pasukan. Siguradong magiging kumportable na ang kanilang mga estudyante pati na rin sila dahil sa malinis at maayos na ang lahat ng kanilang kagamitan at kapaligiran. Dagdag pa ng Ginang, hindi daw sila nagdalawang isip na lumapit at dumulog ng tulong sa CMOBn dahil taon-taon naman daw ay katuwang talaga nila ang mga sundalo. Hindi rin nakaligtaan ni Ginang Valle na pasalamatan ang masigasig at masiglang pinuno ng CMOBn na si COL BUENAVENTURA C PASCUAL sa kaniyang walang sawang pagsuporta at pagtulong sa mga programa ng kanilang paaralan.Hiniling pa niya na sana daw ay hindi iyon ang huling pagtangkilik at pagtulong sa kanila ng mga sundalo, bagkus ito daw sana ang simula ng magandang samahan at pagtutulungan para sa ikabubuti ng mga kabataang nag-aaral sa Ricardo P Cruz Elementary School.

 

          "CLICK to see more SLIDESHOWS"