Positibong mayroong rekruter para sa mga rally ng mga prenteng organisasyon sa Brgy. Pinyahan, Q,C, ito ang sinabi ng isang residente doon na dumalo sa isinagawang information and awareness drive ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa nasabing lugar nitong ika – 28 ng Pebrero. Matagumpay na naisakatuparan ang info drive sa malaking suporta at tulong na ibinigay ng mga samahang tulad ng WOMEN’S POWER OF EAST TRIANGLE, EAST TRIANGLE NEIGHBORHOOD ASSOCIATION (ETNA), at ng mga RESERVISTS.
Sa pamamagitan ng 3rd Squad, 2nd Platoon sa pamumuno ni LT CARCIDO ng 3rd Community, Organizing and Development Coy sa pamumuno ni CAPT FRANCIS BALAN naisakatuparan ang info drive sa nasabing lugar na lubos na ipinagpasalamat ng mga lider at miembro ng mga organisasyong nabanggit. Ayon kay Ate Liza ng Women’s Power naranasan din nila ang mainfiltrate ng mga prenteng organisasyon kung kaya’t nagpapasalamat sila sa pagdating ng mga kasundaluhan sa kanilang lugar. Kinumpirma ni Ate Liza na hindi lamang sila nainfiltrate kundi naranasan din ang hakbang-hakbang na pagwasak sa kanilang grupo base umano sa rebelasyon ng rebel returnee kung kaya’t nahati sila at minsan ay nagkaroon ng away at alitan sa kanilang hanay. Mayroon na din umanong nagbanta sa kanyang buhay sa pagsasabing “huwag kang masyadong magsalita at baka ka mawala” na bagamat nagiging sanhi ng kanyang pag-aalala ay hindi naman tuluyang nakakasagabal sa mga pagsisikap niyang mapamunuan ang kanyang grupo nang naayon sa tama at kagustuhan ng tao.
Dumalo ang mahigit sa isang daang (100) residente, lider at mga miembro ng mga organisasyon sa nasabing pulong. Ayon sa isang taga Leyte nagpapasalamat sila sa CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION dahil sa hindi lamang nila nakikita ang positibong epektong naidudulot ng pagkakaroon ng deployment ng mga kasundaluhan sa kanilang lugar bagkus ay nararamdaman lalo na sa aspetong pangkatahimikan at kaayusan ng kanilang barangay.
Sa pangunguna ni CAPT MARIO JOSE CHICO at ng speaker’s bureau team ng CMO Battalion naging malaya sa pagbibigay ng mga impormasyon ang mga residente matapos na mapaliwanagan sa kung ano ang tunay na mukha ng mga prenteng organisasyon ng komunistang kilusan, ano ang motibo ng mga ito at sa kung saan sila dadalhin sa oras na ma-makapag-organisa na ng grupo sa kanilang lugar. Inamin din ng ilang residente na may mga estudyante ng de La Salle ang palibot-libot sa kanilang barangay.
Nagkaisa naman ang ilang lider ng asosasyon na hindi na nila papayagang makapaglibot pa ang mga estudyante sa kanilang barangay upang hindi na ito makahimok pa ng mga kabataan at mga magulang na maaring galitin, buuhin at pakilusin. Kinumpirma din ng isang partisipante na naroon sa pulong ang isang matandang babae na siyang ginagamit ng mga prenteng organisasyon na maghikayat ng kanyang mga kabarangay upang sumama sa mga kilos protesta.
Taos pusong nagpasalamat naman ang mga lider ng Women’s Power, ETNA at Reservists sa ginawang pagpapaliwanag ng CMO BN sa tunay na mukha ng mga komunista at sinabing mas makakapag-ingat na sila ngayon dahil sa paiiralin na nila ang pagiging mapanuri, mapag-obserba at pag-aanalisa bago pa man maniwala sa mga propaganda ng mga ito.