“Saludo kami sa Phil. Army, saludo kami sa AFP at higit na pag-galang ang nais naming ibigay sa lahat ng mga kasundaluhan ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION”, ito ang mensaheng ipina-abot ni KAG JOSIE “VINOYA” VELASCO ng Brgy Central Diliman sa ginanap na Awareness Program ng 3rd CODE Coy sa pangunguna ng Platoon Leader nito na si 1LT ERICSON A CARCIDO nitong ika-22 ng Marso sa Botanical Chapel ng nasabing barangay. Dinaluhan ng humigit kumulang sa isang daang residente na karamihan ay mga magulang ang awareness drive.
Naging mabunga ang nasabing info drive dahil sa ginawang pag-amin ng ilang residente dito na karamihan sa naninirahan sa kanilang barangay ay sumasama sa mga kilos protesta. Ayon sa isang impormante isang ginang dito na kinilalang si “Aling Letty” ang nakakarating pa sa lalawigan ng Cavite upang sumama lamang sa rally na kadalasan naman anya ay walang nangyayari. Pag-uwi umano ng ginang ay magkukuwento ito na nagutom lamang sila kasama pa ang pagkapagod at pagkakabilad sa init ng araw.
Ikinuwento din ni Aling Letty na nitong nakalipas na buwan ng Oktubre ng taong 2008 ay mayroong isang grupo ng mga kabataang estudyante ang nangrecruit ng mga kabataan sa kanilang barangay dahilan umano sa mageexcursion sila sa lalawigan ng Laguna. Binigyang diin ni Aling Letty na may katotohanan ang lecture na isinagawa ni CAPT MARIO JOSE CHICO, ang Operations Officer ng CMO Bn hinggil sa mga panghihimok ng mga prenteng organisasyon sa mga kabataan.
Sa pangunguna ni 1LT ERICSON CARCIDO, at ng Speaker’s Bureau ng CMO BN sa pangunguna ni CAPT MARIO JOSE CHICO, PFC JOEL BATION, TSGT NELSON SALAMATIN at ng tropa ng CMO Bn sa Brgy Central Diliman naipaliwanag sa mga magulang ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga kabataan upang mailayo ang mga ito sa mapanlinlang na panghihimok ng mga komunistang kilusan.
Ayon kay KGD. VELASCO ang suportahan ang pagsisikap ng mga opisyal at kasundaluhan ng CMO Bn ang tanging maisusukli nila sa malaking tulong ng mga ito sa kanilang barangay. Binigyang diin ni Kgd. Velasco na napatunayan nilang malinis at tapat ang intensiyon ng CMO Bn sa kanilang barangay. Hindi lamang umano malaking tulong ang mga medical missions, civic actions at libreng gupit na iniaalay ng mga miembro ng CMO Bn kundi higit sa lahat ang kanilang presensiya umano ay malaking bagay sa pagpapanatili nila ng kapayapaan at katahimikan sa kanilang barangay. Ayon kay Kgd. Velasco dahil sa matiyagang pakikipag-ugnayan ni LT CARCIDO sa kanilang mga opisyales ng barangay gayundin sa mga residente dito naunawaan nila ang sakripisyo ng mga kasundaluhan upang mapanatili lamang ang kaayusan, katahimikan at kapayapaan ng bayan.
Ayon naman kay Ginang Bernadette Bartolome, tiyahin ni Lenelyn Sanchez alias Ka Minda na narecruit ng rebel returnee na miembro ng CMO Bn malaking bagay ang ginagawang paglikibot ng mga mga kasundaluhan ng CMO Bn sa buong kamaynilaan upang wala nang matulad pa sa kanyang pamangkin. Si Lenelyn Sanchez ay estudyante noon sa UP Los Banos nang marecruit ng rebel returnee na nagbahagi ng kanyang buhay sa mga residente dito. Kasalukuyan pa itong aktibong armado at kumikilos sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ayon pa sa isang ginang na nagpakilalang “Aling Rosa” kung ang mga kasundaluhan ng CMO Bn ay nagmamalasakit sa kanilang mga anak at mga kabataan higit na dapat magmalasakit ang mga magulang. Magagawa umano ng konkreto kung makikipagtulungan at lubos na susuportahan ang ginagawang pagsisikap at programa ng buong SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS. Mas masuwerte umano silang mga resident eng BRGY CENTRAL DILIMAN dahil sa presensiya ng mga kasundaluhan sa kanilang barangay. Sinang-ayunan ni Aling Rosa ang sinabi ni Kgd, Velasco na dapat lang na suklian ng taumbayan ang ginagawang paglilingkod ng tapat ng mga sundalo. Kung hindi umano sa sakripisyo ng mga ito, ang mapawalay sa kanilang pamilya, ang mailagay sa delikado ang buhay at ang matiyagang pagtulong sa kanila upang mai-angat ang kanilang buhay ay tuluyan na silang mawawalan ng pag-asa sa pamahalaan. Ipina-abot ng mayorya ng mga dumalo sa pulong ang kanilang taos pusong pasasalamat kay COL BUENAVENTURA C PASCUAL, Commander ng CMO Bn dahil sa matapat na pag-gabay sa kanyang mga tauhan ay nanatiling disiplinado ang mga ito at nakatutok sa kanilang walang kapalit na serbisyo.