News

MEDICAL AT DENTAL MISSION NG CMOBn SA PAGGUNITA NG PHILIPPINE ARMY DAY!

Ni Pfc Lorenzo


         

         Matagumpay na naidaos noong ika-23 ng Marso 2009 ang medical at dental mission sa Brgy. Pinyahan Quezon City at Brgy 737, Malate Manila. Alas sais pa lamang ng ng umaga ay nagsimula ng maglinis ang mga residente kasama ang mga sundalo na nakabase sa kanilang  brgy kung saan ginanap ang programa. Kasama din dito ang lahat ng brgy opisyales sa pangunguna ng dalawang Brgy Chairman ng nasabing lugar.  Habang naglilinis ang mga residente, abala naman ang CMOBn at ibang kasundaluhan ng Armed Forces of the Philippines sa pagsasaayos ng mga gamit na kakailanganin sa nasabing aktibidad. Ang aktibidad na ito ay bilang paggunita sa 112th Philippine Army day sa pamumuno ni LGEN VICTOR S IBRADO AFP, Commanding General, Philippine Army.
               

          Lubos na Ikinatuwa ng mga punong Brgy ang maagang pagdating ng mga Sundalo at mga opisyales ng CMOBn sa pangunguna ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL (MNSA) PA at  mga Doctors sa Fort Bonifacio General Hospital at 1354th  Dental Center. Kasama rin sa nasabing aktibidad ang mga doctor na galing sa Manila Doctors Hospital, Gat andress Bonifacio Memorial Medical Center, J. Fabella Hospital,  Manila Health Dep’t,  Quezon City Health Dep’t, at mga Opthalmologist sa ilalim ng hanay ni Vice-Mayor Isko Moreno ng Manila.

         

         Madami ang nabiyayaan sa programang  ito. Ang dalawang Pinunong Brgy ay lubos na nagpapasalamat dahil natupad ang programang inaasahan nilang Medical at dental na tulong sa kanilang barangay. Ang mga residente ng Brgy Pinyahan at Brgy 737 Malate, manila ay lubos na natuwa dahil malaki ang naitulong ng nasabing programa sa kanila.


           Mensahe ng Chairman ng mga Brgy at ng mga Kagawad ay sana maulit ang programang ito dahil iyon ang gustong ipabatid ng mga residente ng brgy. Dahil sa kanilang kahirapan, hindi nila mabibili ang mga naitulong ng mga sundalo sa kanila.

 

                "CLICK to enlarge SLIDESHOW"