Isang “bloodletting” ang ginanap noong ika – 14 ng Nobyembre 2009 sa Brgy Baseco, Health Center. Si Dra. Beverly Juan, Physician-in-Charge ng Brgy Baseco, Health Center ang gumawa ng hakbang sa pakikipagtulungan kay 1LT Eliezer M Bejarin, CO 1st CODE Coy tungkol sa bloodletting sa nasabing barangay.
Maraming LGU’s at NGO’s ang nakibahagi sa aktibidades na ito.Dumalo din ang mga doktor at kanilang mga staff sa Baseco Health Center, nariyan din ang mga doktor sa District-5 Health Office, mga “civilian volunteers” ng Brgy Baseco, mga sundalo ng CMOBn, 1st CODE Coy at ang mga ibang Army Reservist. Marami ding mga ka-barangay ang nakibahagi ng programang bloodletting, nagprisentang magbigay ng donasyon ng kanilang mga dugo upang tulungan ang mga tao na nangangailangan lalung – lalo na mismo sa kanilang barangay.
Nakibahagi rin ang mga kasundaluhan ng CMOBn sa nasabing aktibidad. Nagprisinta ang mga sundalo ng 1st CODE Coy na nakatalaga sa Tondo, Manila upang maibahagi nila ang kanilang taos-pusong pagbibigay ng donasyon ng kanilang dugo para sa mga taong nangangailangan lalong lalo na sa barangay Baseco. Labin- dalawang (12) sundalo ng 1st CODE Coy, CMOBn ang nagbigay ng kanilang dugo sa pangunguna ni 1LT Bejarin.
Labis ang tuwa ni Dra. Juan dahil matagumpay ang kanilang programa at natapos nang mapayapa at marami ang nagprisenta at nagbigay ng donasyon ng kanilang dugo. Hindi rin nagsasawa si Dra. Juan na humingi ng pabor sa ating kasundaluhan dahil panatag din ang kanyang kalooban sa ating kasundaluhan at alam niya na hindi nila tatalikuran ang kanyang mga kahilingan para sa ikauunlad kanilang barangay.