INAGURASYON AT RIBBON CUTTING SA BAGONG TAYO NA ROTC OFFICE BUILDING GINANAP SA PUP COMMONWEALTH, QUEZON CITY
By: Pfc Lorenzo
Ang proyektong ito ay magkasamang binuo nina Dir. Pascualito B. Gatan, director ng PUP Commonwealth at si COL BUENAVENTURA C PASCUAL INF (MNSA) PA, Commanding Officer ng Civil Military Operations Bn, Philippine Army.Ang dalawang ginoo ay naniniwalang ang ROTC program ay malaki ang maitutulong sa paghubog sa mga estudyante na may potential na maging lider na maaring makapagbigay ng malaking benepisyo sa gobyerno at sa mga pribadong korporasyon.
Ang ROTC building ay sama-samang itinayo ng mga sundalo na nagmula sa Headquarters and Headquarters service Company Cmobn. Sinimulan ang nasabing pagpapatayo noong 28 ng Agosto hangang 09 ng Oktubre sa pamumuno ni CPT GERMELO A CALMA (QMS) PA, Headquarters Commandant.
Ang inagurasyon ng nasabing gusali ay ginanap noong ika-13 ng Pebrero 2009.Nagkaroon ng maikling programa sa seremonyang ito.Ganap na alas-diyes ng umaga ng magsimula ang programa.Si Cadet 1LT Rizzalyn V Velasco ang nanguna sa pagkanta sa pambansang awit. Si COL BUENAVENTURA C. PASCUAL INF (MNSA) PA ang nagbigay ng opening remarks. Pagkatapos ay ginanap na ang ribbon cutting na pinangunahan nina COL BUENAVENTURA C. PASCUAL INF (MNSA) PA at ni Dir. Pascualito B Gatan. Pagkatapos ng ribbon cutting ay nagkaroon ng signing of deeds of donation na pinangunahan ni Dir. Gatan at ng CMOBn. Bago natapos ang selebrasyon ay nagkaroon muna ng konting salo-salo na inihandog ni COL BUENAVENTURA C. PASCUAL INF (MNSA) PA, Commanding Officer ng CMOBn.