News

ANTIPOLO NATIONAL HS SENTRO PA RIN NG PAGREREKLUTA NG PRENTENG ORGANISASYON

Agnes Lopez Reano



          Kumpirmadong sentro pa rin ng pagrerekluta ng mga prenteng organisasyon ng komunistang kilusan ang ANTIPOLO NATIONAL HIGH SCHOOL, ito ang natuklasan matapos na isang estudyante ang boluntaryong nagsabi na sa pang-hapon na sesyon ng fourth year ay mayroong isang aktibista na nagrerekrut ng kanyang mga kamag-aral na sumama sa mga kilos protesta.

 

            Natuklasan ang mga impormasyong ito dahil sa ginawang information drive ng JAPCI TEAM sa pangunguna ni PINSP. JOHN ANTONIO, LT. MARIADITA K OMANDAM (OS) PA sa ilalim ng 202nd INFANTRY “UNIFIER” BRIGADE sa pamumuno ni COL TRISTAN KISON at Deputy Brigade Commander COL RICARDO VISAYA. Naging katuwang din ng JAPCI AT 202ND Brigade ang CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL sa pagpapadala ng isa sa mga Rebel Returnees nito bilang speaker sa nasabing info drive.

 

            Matapos ang sesyon ng info drive sa umaga isang estudyanteng babae and lumapit sa speaker na rebel returnee at sinabing may kaibigan ang kanyang kaklase na pang-hapong sesyon ng Fourth year na kumpirmado umanong aktibista at hindi lang aktibista kundi nagrerekrut din ng mga kabataan na isasama sa mga kilos protesta.

 

            Natuklasan din na matagal nang sentro ng pagrerekluta ng prenteng organisasyon ang eskuwelahan kung kaya’t may mga kaso ng tulad nina Kristin Calido at Marissa Espedido na narecruit ng mga ito.  Isa sa mga nabanggit ay tuluyan nang sumapi sa armadong hukbo at napag-alamang kasama ito sa grupo ng NPA na tumambang sa mga kapulisan sa Sitio Calumpit, Brgy, Macabud, Montalban, Rizal noong ika 3 ng Enero taong kasalukuyan.

          Ayon sa mayorya ng mga guro sa nasabing paaralan, napapanahon ang ginagawang information drive ng mga kapulisan at kasundaluhan, ito umano ay malaking tulong sa kanilang mga guro upang masubaybayan ang kanilang mga estudyante at upang tuluyan nang mahadlangan ang pagsapi ng mga bata sa mga prenteng organisasyon at tuluyang pag-akyat sa kabundukan at pagsama sa madugong digmaan.

 

            Mahigit sa dalawang libong (2,000) estudyante ang pinadalo sa infor drive, mahigit na isang libo sa umaga at isang libong fourth year ang sa hapon.  Hindi mabilang na mga estudyante ng fourth year AM at PM session ang nagpa-abot ng kanilang taos pusong pasasalamat sa ginawang info drive.  Ayon sa isang nagpakilalang “Michelle” matagal na nilang alam ang ginagawang pagrerekluta ng Anakbayan sa kanilang paaralan, at dahil umano sa ginawang pagpupulong naging maliwanag sa kanila ang tunay na layunin ng mga prenteng organisasyon sa kanilang mga kabataan.  Sinang-ayunan din ng isa pang estudyanteng nagpakilala si “Jogie” na hindi dapat na gamitin ang mga kabataan sa mga mararahas na pagkilos sa lansangan.  Nanawagan ang mayorya ng mga kabataan sa mga lider ng prenteng organisasyon na hayaan na lamang silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral. 

 

            Isa pang estudyante na nagpakilalang si “Marco” ang nagsabi na hindi niya bibiguin ang kanyang mga magulang sa pagnanais ng mga ito na makatapos siya ng kanyang pag-aaral kung kaya’t Malabo umanong mahimok siya ng mga ito. Isang text message sa rebel returnee nais niyang ipaabot ang kanyang mensahe sa mga prenteng organisasyon, ang mensahe ay: “KARAPATAN PARA MAKAPAG-ARAL, KARAPATANG MAKAPAGLARO, LAHAT NG KARAPATAN BILANG BATA DAPAT NAMING MARANASAN, SA GINAGAWANG PAGREREKRUT NG MGA PRENTENG ORGANISASYON, KARAPATAN PA DIN BA ANG PAHAWAKIN KAMI NG BARIL?”

 

            Ang naturang mensahe ay nais na ipa-abot ng estudyanteng nag text, sa mga lider ng prenteng organisasyon at sa mga pinagpipitaganang kinatawan ng mga Party List groups.  Ayon sa bata ang mga karapatan ng bata ang dapat na maisulong hindi ang magamit ang mga estudyante sa madugong pakikipaglaban.

 

            Sa pangkalahatan naging mabunga ang info drive dahil sa taos pusong kooperasyon ng pamunuan ng paaralan at ng taimtim na pakikinig ng mga bata.  Maraming katanungan din ang inihain ng mga bata sa ginanap na open forum.  Karamihan dito ay napapatungkol sa kung papano nila maiiwasan ang mga grupong nagnanais na sila ay gamitin at linlangin lamang, sa kung ano ang dapat gawin kung nasa estado na sila ng pagrerekluta, at kanino dapat lumapit upang humingi ng tulong.