News

ALPAPUDA AT BRGY COUNCIL NG BRGY 428, SAMPALOC NAGPASALAMAT SA CMO BATTALION

Agnes Lopez Reano


          

           

            “Ang walang sawang pagtulong ng mga opisyal at kasundaluhan ng CIVIL MILITARY OPERATIONS sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL ay malaking bagay para sa mga residente ng aming barangay, ang libreng gupit at feeding program ay hindi maisasakatuparan kung walang mga sundalong nakahandang umalalay sa amin”, ito ang laman ng mensahe ni BRGY CAPTAIN JOSE M COLLADO, ng Brgy 428, Zone 43, Sampaloc, Manila sa ginanap na information and awareness drive nitong nakaraang ika-28 ng Marso ng 2nd CODE Coy sa pamumuno ni CAPT MAHAN SAHIAL.

 

            Pangunahing dinaluhan ng mga opisyales at miembro ng Barangay Council sa pangunguna ni BRGY CAPT JOSE M COLLADO, KAG ANGELES BONGAT, KAG ALFREDO AQUINO, at KAG LITO LUTRANIA.  Nagkakaisa ding dumalo ang mga opisyales at miembro ng  ALPAPUDA o Altura, Paltok, Pureza Drivers Association ang nasabing info drive gayundin ng mga residente nito.  Humigit kumulang sa isang daan at dalawampung residente ng Brgy. 428 ang dumalo sa nasabing info drive.

 

            Ayon kay Mang Dino, dati rin siyang miembro ng isang prenteng orgabisasyon noong kanyang kabataan pa at naging bahagi din siya ng mga malalawak na pagkilos o rally sa lansangan.  Noong una anya, dagdag ni Mang Dino okey lang na sumama siya sa mga protesta subalit kalaunan umano napapansin niyang naapektuhan na ang kanyang trabaho at wala naming nangyayari sa kanilang mga pagkilos sa lansangan.  Idinagdag pa ni Mang Dino na ang isa din sa mga pangunahing dahilan ng kanyang pagkalas sa prenteng organisasyon ay ang kanyang naobserbahan na kapag nagkakagulo na sa rally ay naiiwan silang mga miembro at ang mga taong nagrekrut sa kanila ay nawawala.  Bukod pa sa anya nang usisain niya ang kanyang mga opisyales sa kung anong anong pakinabang ang makakamit nila sa sunod-sunod na pagkilos na sa katotohanan naman ay wala silang natatamo kungdi sakit ng katawan, pagkagutom at pagkabilad sa init ng araw.

            Hiniling naman ng ilang mga residente ng nasabing barangay gayundin ng ilang opisyales ng ALPAPUDA na gawing regular na rin ang pakikipag-ugnayan sa mga kabataan ng mga kasundaluhan upang mas mabigyan ng magandang alternatibo ang mga ito sa pagtugon sa suliranin ng bayan gayundin mabigyan ng inspirasyon sa kung ano ang dapat nilang tahakin upang gumanda ang kanilang buhay.

 

            Ayon naman kay KAPITAN COLLADO malaking tulong ang isinasagawang info drive ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION dahil hindi lamang silang mga opisyales ng barangay ang makikinabang dito kungdi higit sa lahat ang mga magulang at kabataan.  iina-abot ni Kap. Collado ang kanyang taos pusong pasasalamat kay COL BUENAVENTURA C PASCUAL hindi lamang dahil sa pagsasagawa ng info drive sa kanyang barangay kungdi gayun na din sa mga proyektong pangkalusugan at kaunlaran na dinadala ng CMO Battalion sa kanilang lugar. 

 

            Bagamat anya kung titingnan ng ilan ay napakasimpleng proyekto ang feeding program, para anya sa kanilang mga residente sa barangay ito ay isang malaking tulong na lalo pa nga’t karamihan sa mga paslit ay dumaranas ng malnutrition. 

 

            Samantala isang ginang naman na nagpakilalang si “Aling Trina” ang nagsabi na kung patuloy na maisasagawa lamang ang info drive nakakasiguro umano siyang maraming mga kabataan ang hindi na mahihimok at maloloko ng mga prenteng organisasyon.  Nanawagan din si Aling Trina sa mga prenteng organisasyon na kung tuna yang kanilang adhikain na makatulong sa bayan napapanahon na anyang makipagsanib ng lakas, pinansiya at puersa ang mga ito sa lehitimong pamahalaan upang mas mapadali ang pag-unlad ng bayan.  Hinamin ni Aling Trina ang mga namumuno sa mga prenteng organisasyon na patunayan nila ang kanilang isinisigaw sa lansangan na konserna sa masang mahirap na Pilipino sa pamamagitan ng konkretong pagdedeliber ng mga proyektong mapapakinabangan ng taumbayan.