Nagdiwang ng ika- apat na anibersayo ang mga kasundaluhan ng Civil Military Operations Battalion (CMOBn) ng Philippine Army na pinamumunuan ni COL EMILIO T HILIPAS (GSC) PA noong ika-21 ng Agosto 2010. Sinumulan ang pagdiriwang sa isang masaya at nagkakaisang pagtakbo o 5 km. Fun Run bandang alas singko (5:00am ng umaga na dinaluhan ni BGEN ROMEO F FAJARDO AFP Deputy Commander ng NCRCOM sa loob ng Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Ang pangalawang parte ng programa ay ang pagkakaroon ng magkakasamang pagsasalo o "boddle fight" ng mga opisyal at sundalo ng CMOBn sa Pangunguna nina BGEN ROMEO F FAJARDO AFP Deputy Commander ng NCRCOM ,AFP at COL AGAPITO CARMELO S NAGRAMPA (GSC) PA, Group Commander, CMOG, PA kasama ng kanilang Staff bandang alas dose(12nn) ng tanghali. Bago sinumulan ang pagsasalo ay nagbigay ng magandang mensahe sina BGEN FAJARDO at COL NAGRAMPA upang batiin at pasalamatan ang mga ginagawang pagseserbisyo ng mga kasundaluhan ng CMOBn. Hiniling pa nila na lalo pang pag-ibayuhin ang nasimulan ng mga magagandang gawain., Natapos ang pagdidiriwang bandang alas dose kuwarenta (12:40nn) ng tanghali.