Bukas na Liham

ANG BATANGAS

Pfc Lerma Bulaklak

 


            Ang lalawigan ng Batangas ay isang probinsiyang maganda at kaaya-aya, bukod sa kagandahan ng lalawigan ito ay biniyayaan din ng Poong Maykapal ng mayamang kapaligiran.  Dahil dito lubos na naging kaakit-akit sa mga lokal at dayuhang namumuhunang negosyante ang Batangas.  Ang lupain ay sagana sa mapagkukunan ng pangkabuhayan, mayabong ang agrikultura, maunlad ang industriya, at nagiging sentro ito ng turismo.  Subalit ang kaayusan at katahimikan ng Batangas ay nanganganib na mahalinhan ng isang bangungot na maaring ikagulat ng taumbayan.  At ito ay kung hindi mapipigilan ang paglakas ng komunistang terorismo sa lalawigan.

 

            Bilang bahagi ng area of responsibility ng 740th COMBAT GROUP sa ilalim ng pamumuno ni MAJ ARNEL VILLAREAL, sa direksiyon ng 710th SPECIAL OPERATIONS WING inilunsad ng butihing pinuno ng PAF unit na pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng INTERNAL SECURITY OPERATIONS o ISO.  Bahagi ng ISO ay ang paglulunsad ng intensibo at malawak na information and awareness drive na ngayon ay siyang pinagtutuunan ng pansin nito.

 

            Kung kaya’t sa magandang layunin ng nakatalagang Sandatahang Lakas ng Pilipinas partikular na ang 740TH COMBAT GROUP PHILIPPINE AIR FORCE, sa pangunguna ni MAJOR ARNEL L VILLAREAL PAF, ay pinalawak ang isang proyektong magbibigay ng tamang impormasyon sa lahat ng mamamayan.  Hindi lamang ito isinasagawa sa mga paaralan at barangay higit na pinagtuunan ng pansin na isakatuparan ito sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.  Layunin nitong ipaliwanag sa mga local government executives ang kahalagahan ng kooperasyon at pagtutulungan upang maihatid ang mga basikong pangangailangan ng taumbayan lalo na sa lugar o barangay na malalayo.

 

            Sa ginaganap na mga talakayan sa iba’t-ibang barangay nilalayon nito na mabigyan ng tamang impormasyon ang mamamayan at maging mulat sa katotohanan upang mapaghandaan ang masamang mangyayari sa kanilang lalawigan.  Kaagapay ng 740th CG ang lokal na mga ahensiya ng ating pamahalaan, ang religious sector katulad na lamang ng suportang ibinibigay ng Arsobispo ng Lipa MOST REV RAMON ARGUELLES at mga kaparian tulad ni FR GERALD gayundin ang mga civic organizations at malalaking kompanya na nakikita ang kahalagahan ng isinasagawang proyekto ng 740th CG. Ang pagtutulungang ito ay bilang patunay na nagkakaisa ang lahat ng sektor sa pagtatanggol ng iisang layunin para sa ating bayan upang ito ay magkaroon ng isang ligtas, mapayapa at maunlad na pamayanan.

 


         Subalit ang magandang ugnayan sa mga tao ay nanganganib na magkaroon ng hadlang dahil sa pananabotahe ang mga Komunistang Terorista. Ginagamit nila ang kanilang mga legal na samahan upang kunwari ay sila ang tunay na makabayan, makamasa at magkukunwaring makakatulong sa mga suliranin ng masang mahirap na Pilipino. Subalit sa katotohanan wala silang ibang layunin kungdi gamitin lamang ang mamamayan at patuloy na linlangin upang magkamal ng salapi na iilang pinuno lamang ng kilusan ang nakikinabang.

 

         Sa ganitong sitwasyon dapat na paghandaan ng taumbayan ang kanilang maitim na balak sa lalawigan. Kailangang maging handa ang lahat na sila ay harapin at ipakitang nagkakaisa sa pamamagitan ng paggawa ng mga ordinansa sa panig ng Barangay Council na sinumang darating na mga miembro ng CPP-NPA-NDF kahit ito ay rehistrado ay dapat na isangguni sa mga kinauukulan upang hindi sila malinlang at magamit. Sa mga mamamayan naman ay dapat na maiparating sa mga kinauukulan ang anumang impormasyon hinggil sa presensiya ng mga armadong grupo sa kanilang barangay at sa mga paaralan ang ginagawang pagrerekluta sa mga estudyante na naglalayong paakyatin ang mga ito sa kabundukan at pahawakin ng armas at isama sa madugong digmaan.

 

         Tunay na sa PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN ng sambayanan makakamit natin an gating minimithing kapayapaan at kaunlaran. Sana ay atin pong maunawaan na ang responsibilidad ng pagpapanatili ng katahimikan sa ating bahay, sa ating komunidad at barangay hanggang sa ating bayan patungo sa ating lalawigan at sa buong bayan ay hindi lamang responsibilidad ng mga kapulisan at kasundaluhan kungdi RESPONSIBILIDAD ITO NG BAWAT PILIPINONG NAGMAMAHAL AT NAGMAMALASAKIT SA ATING BAYAN.

 

         Sa mga nagmamahal sa ating bayan hinihiling po ng 740TH COMBAT GROUP na maaring tumawag o magtext lamang sa mga sumusunod na numerong nasa ibaba.

 

MAJ ARNEL VILLAREAL - 09173857017

 

CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION - 09178613544

 

2LT CLAIRE REARTE PAF - 09178650765

 

OPERATIONS CENTER - 09164848877 09228007883

 

MABUHAY ANG LALAWIGAN NG BATANGAS TUTULAN ANG CPP-NPA-NDF