| |
Ang Ugnayang CPP-NPA-NDF
Ni Raven
Kung mapapansin mo, pag may isang bandidong NPA ang napatay o nahuli, mabilis pa sa alas kuwatro at nandiyan na agad ang iba’t ibang militanteng sektoral na grupo at naghuhumiyaw para pasinungalingan na siya’y NPA. Kahit malinaw pa nga na ito’y nadakip o napatay sa isang engkuwentro at nahulihan ng baril, tigas talaga ng tanggi ng mga grupong ito na siya nga’y NPA. Napakasistematiko ng kanilang gawain, bagkus palalabasin pa nga nila na inosente ito na dapat palayain o di kaya’y mabigyan ng hustisya ang di makatarungang pagkamatay nito. Kadalasan pa nga sa kanilang mga pahayag sa radyo, telebisyon, sa mga diyaryo, at pati na rin sa "internet", babaliktarin nila ang mga pangyayari at palalabasin na walang nangyaring engkuwentro at biktima lang ang nahuling NPA ng pananakot, pang aabuso, militarisasyon, o di kaya’y napagbintangan lamang, tinamnan ng ebidensiya para madiin (na “set up” o “frame up” lamang) at marami pang ibang akusasyon na mapanira sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. .
Nakapagtataka minsan na hindi naman talaga magkakilala ang mga taong ito pero sila’y nagtutulungan? Bakit nga kaya? Ano ba ang ugnayan nila? Ang ganitong sistema ay bahagi lamang ng ugnayan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines (CPP) o Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ng New People's Army (NPA) o Bagong Hukbong Bayan (BHB), at ng National Democratic Front (NDF) o Pambansang Demokratikong Prente (PDP).
Kung susuriin nating mabuti, maihahambing natin ang pagkilos ng tatlong grupong ito sa isang tao na may hawak na itak sa kanang kamay at may hawak na panangga sa kaliwang kamay. Ang Communist Party of the Philippines (CPP) o Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na pinamumunuan ni JOSE MARIA SISON, ay siyang nagsisilbing utak para pakilusin ang New People’s Army (NPA) o Bagong Hukbong Bayan (BHB) na siyang kanang kamay nito. Ang partido rin ang nagbibigay ng direktiba sa National Democratic Front (NDF) o Pambansang Demokratikong Prente (PDP) na siya namang kaliwang kamay nito.

Makikita natin sa mga pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) o Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mga dyaryo, radyo, telebisyon, at sa “internet” ang kanilang direktiba sa armadong grupong NPA para paigtingin nito ang pagsulong sa armadong pakikibaka. Ito ay ang pananambang, pagatake sa mga kampo, pagpatay sa mga sundalo, pulis, at sa ilang mga kawani ng gobyerno, at marami pang ibang mga bayolente at madugong gawain.

(News clip mula sa Manila Bulletin noong Agosto 19, 2007)
Base na rin sa direktiba ng CPP, ang New People’s Army (NPA) o Bagong Hukbong Bayan (BHB), na sinisimbulo ng kanang kamay na may hawak na itak, ay magsasagawa ng mga marahas at madugong gawain gaya ng pagpatay sa mga pulis, kasundaluhan, mga kawani ng gobyerno, at mga indibiduwal na pinagbibintangan o pinaghihinalaan nilang impormante o tagasuporta ng pamahalaan. Ito ay bahagi na rin nang kanilang istatehiyang takutin ang taumbayan para maging sunudsunuran sa kanila.
Click HERE to see video of NPA attacking government troops and installations
Ang National Democratic Front (NDF) o Pambansang Demokratikong Prente (PDP) naman na sinisimbulo ng kaliwang kamay na may hawak na panangga, ay siyang nagsasagawa ng pagtatangol sa mga napatay o nahuling bandidong NPA. Sa pamamagitan ng propaganda, babatikusin nila ang pagkakapatay o pagkahuli sa kasamahan nila at palalabasin na diumano'y isa lamang itong pang aabuso sa kanyang karapatang pantao. Kaya nga mapapansin natin na sa ilalim ng NDF ay may mga grupo na kunwari ay nagtataguyod ng karapatang pantao na binubuo ng mga indibiduwal na nanggaling sa hanay ng iba’t ibang sektor gaya ng mga estudyante at kabataan, mga manggagawa, kababaihan, mga magsasaka, at iba pa.
Gamit ang propaganda, paiigtingin ng NDF sa pamamagitan ng kanilang mga prenteng organisasyon na kinabibilangan ng iba’t ibang militanteng sektoral na organisasyon o grupo para lasunin ang isipan ng taumbayan upang tuluyang magalit sa pamahalaan. Sasakyan nila ang lahat ng isyu para siraan ang pamahalaan at tuluyang ilayo ang damdamin ng taumbayan dito. Sa mga prenteng organisasyon din pinadadaan ng CPP/NPA ang kanilang pagrerekluta ng kadre at pulahang mandirigma. Bahagi ito ng kanilang politikal, ligal, at parliyamentaryong pakikibaka na sumusuporta sa kanilang armadong pakikibaka.
Sa pamamagitan din ng propagandang inilalabas ng NDF, pinabubulaanan nila o di kaya’y binibigyang katarungan ang mga pang aabuso, pagmasaker, pagpatay, pananakot, pangingikil, pagrerekluta ng kabataan na maging Pulahang Mandirigma (click HERE to see video of a former NPA child warrior), at iba pang katiwaliang ginagawa ng NPA para maging katangap tangap ito sa mata ng tao. Palalabasin nila na kaya pinatay ng kilusan ang isang indibiduwal (sundalo, pulis, kawani ng pamahalaan, odinaryong mamamayan man) dahil na rin sa mga kasalanan niya sa taumbayan. Pero sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, ito ay isang malaking kasalanan. Bilang mga kristiyano at mga katoliko, alam naman natin na masama ang pumatay ng tao. Batay na rin ito sa ikaanim na utos sa Sampung Kautusan ng Diyos, “THOU SHALT NOT KILL”.

Website ng NDFP kung saan pinabubulaanan nila ang isyu ng pagrerekluta ng CPP-NPA sa mga kabataan para gawing Pulahang Mandirigma.
Ganyan kasalimuot ang ugnayang Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at ng National Democratic Front (NDF). Pero itatanggi at itatanggi ito ng CPP/NPA na wala silang kaugnayan lalung lalo na sa mga prenteng organisasyon na nasa ilalim ng NDF. |
|